
Jones Street Quick-Build
Virtual na Open House ng Proyekto
Mabuhay!
(Mangyaring piliin ang gusto mong gamiting wika sa ibaba)
Welcome! | 歡迎! | ¡Bienvenido! | Chào mừng! | أهلا بك | Mabuhay!
Salamat sa pagsali sa Open House ng Jones Street Quick-Build Project! Ito ay isang pagkakataon para madagdagan pa ang iyong kaalaman at mabigyan kami ng opinyon tungkol sa aming iminumungkahing mga pagpapabuti ng kaligtasan sa trapiko sa hanay ng Jones Street sa pagitan ng O’Farrell Street at Golden Gate Avenue.
Ang website ng Open House na ito (kilala rin bilang mapang kwento) ay makikita para mabigyan ng opinyon mula Marso 28, 2022 hanggang Abril 15, 2022. Habang live ang website ng Open House, tutugon ang mga kawani sa mga opinyong ibinibigay sa pamamagitan ng mga email, tawag sa telepono, sagot sa survey, at sa-personal na event loob ng tatlong linggo.
Kung Paano Magagamit ang Website
Pinakamainam na natitingnan ang Open House storymap website sa pamamagitan ng web browser sa laptop o browser, pero mapupuntahan din ito gamit ang tablet o iba pang mobile na kagamitan. May navigation bar sa itaas ng web page na matutulungan kayong pumunta sa mga espesipikong seksiyon na interesado kayo, tulad ng impormasyon tungkol sa kaligtasan, mungkahing disenyo, at iskedyul ng proyekto. Kung hindi naman, para sa kabuuang konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang pag-iiscroll mula sa simula hanggang sa dulo. Para mag-iwan ng tanong o komento, pakibisita ang seksiyon ukol sa “Opinyon", na matatagpuan sa navigation bar na nasa itaas o nasa pinaka-ibaba ng web page na ito. Puwede rin ninyong direktang mapuntahan ang sarbey ukol sa mga opinyon (feedback survey sa Ingles) dito . Kapag nagkaroon kayo ng problema sa web page na ito, mangyaring magpadala ng email sa TLStreets@sfmta.com
Tulong sa wika:
Contact 311 - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم
Sa-Personal na Open House!
Ang pakikipag-ugnayan sa personal ay nagong limitado para sa mga quick-build project sa nakaraang dalawang taon dahil sa COVID-19.
SFMTA staff sa Larkin St. Holiday Play Street event
Nasisiyahan ang mga kawani ng proyektong maglagay ng mesa sa Tenderloin Sunday Streets sa Abril 10, 2022. Dumaan sa aming mesa ng pakikipag-ugnayan sa labasan sa Golden Gate Avenue sa pagitan ng Leavenworth Street at Jones Street para mapag-aralan ang mga mungkahi at makipag-usap sa mga kawani!
Kasaysayan
Kasaysayan ng Proyekto
Ang bawat kalye sa Tenderloin ay nasa Vision Zero High Injury Network ng Lungsod, ang 13% ng mga kalye sa lungsod kung saan nangyayari ang 75% ng malubha at nakakamatay na banggaan.
Ang ilan sa mga bulnerable sa banggaan ng sasakyan sa kalsada ay nakatira sa Tenderloin. Ang Tenderloin ay tahanan sa marami sa mga pinaka-nasa laylayan sa San Francisco – mga taong iba ang kulay ng balat na may mga kapansanan, nakatatanda, bata, taong may mga napakababang kita, indibidwal na nahihirapan sa sakit sa pag-iisip at/o pagkalulong sa droga at/o alkohol, at taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan.
Ang Tenderloin ay patuloy na nagkakaroon ng pinakamataas na antas ng malulubha at nakamamatay na pinsala sa mga naglalakad sa Lungsod, na lubusang nakakaapekto sa karamihan sa ating mga komunidad na nasa laylayan.
Mangyaring bigyan ang aplikasyon ng ilang minuto para mag-load habang nagsu-scroll ka sa mga mapa sa ibaba
Jones Street ay nasa High Injury Network (Network ng Napakaraming Pinsala) ng Lungsod
High Injury Network ng San Francisco ay binubuo lamang ng 13% ng mga kalye sa Lungsod, na bumubuo sa 75% ng malulubha at mga nakamamatay na banggaan.
Sa nagdaang limang taon, iniulat ng pulisya ang 57 banggaan sa Jones Street sa pagitan ng O’Farrell Street at Golden Gate Avenue, na nagreresulta sa 4 na malulubhang pinsala at 1 kamatayan.
Sa kabuuan ng mga banggaang ito na iniulat ng pulisya, 42% ay kinasasangkutan ng mga naglalakad, 40% ay mga sasakyan lamang at 14% ay kinasasangkutan ng mga taong nagbibisikleta, at 4% ang kasangkot sa parehong mga siklista at pedestrian
Pagresponde sa COVID-19
Lalo lamang pinalala ng pandemyang COVID-19 ang mga hamon sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkaligtasan sa kapitbahayan. Ang pagresponde ng Tenderloin Emergency Streets ay ipinatupad noong 2020 upang palawakin ang espasyo sa paglalakad upang mapahintulutan ang pisikal na pakikipagdistansya at tumugon sa mga umuusbong na pangangailangan, gaya ng mga pansamantalang pagsasara ng kalye upang suportahan ang maliliit na negosyo at mga serbisyo sa kapitbahayan.
Ang gawain ng pagresponde na ito ay kinabilangan ng mga Lane para sa Pisikal na Pakikipagdistansya sa Jones Street. Ang pagbabagong ito ay nangyari noong Agosto 2020 at kinabilangan ng paghahati sa Jones Street mula tatlong lane hanggang dalawang lane (kilala bilang road diet). Ang mga kongkretong pangharang sa silangang bahagi ng kalye ay inalis kalaunan noong Oktubre 2021.
Ang Jones Street sa Kasalukuyan
Magkakrus na tawiran sa Jones at Turk
Noong 2020, ang SFMTA ay naglagay ng samping magkakrus na tawiran, kabilang ang apat sa hanay ng Jones Street, upang makatulong sa paghihiwalay ng mga nagkakabanggaang sasakyan at tumatawid.
Ang karatulang "No Turn on Red" ("Huwag Lumiko sa Pula") sa Jones at Golden Gate
Noong 2021, binawasan ng SFMTA ang limit sa bilis ng sasakyan sa kapitbahayan ng Tenderloin sa 20 milya kada oras at ipinatupad ang mga regulasyong "no turn on red" sa mahigit 50 interseksyon sa kapitbahayan.
Ang mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa interseksyon ng Jones at O'Farrell
Sa Jones Street sa pagitan ng O'Farrell and Golden Gate, 97% sa mga iniulat ng pulisya na banggaan ay nangyari sa mga interseksyon.
Ang kalyeng tawiran sa Jones at Ellis
Ilang lokasyon sa hanay ng Jones ay lubos na makikinabang sa mga painted safety zone (pininturahang sonang pangkaligtasan) upang mas lalong makita at mahikayat ang mga sasakyan na mas bagalan ang pagliko.
Ang Jones Street sa pagitan ng Turk at Golden Gate
Kailangan ng lugar para pumarada at magbaba at magsakay sa hanay ng Jones Street, partikular na para sa pagbaba at pagsakay ng paratransit, taxi, at pangkomersyong sasakyan.
Ang Jones Street sa Golden Gate
Mahigit isang daang bisikleta ang dumadaan sa hanay ng Jones Street sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes at may interes ang komunidad na makita ang mungkahi hinggil sa lane para sa mobilidad sa hanay ng Jones. Madalas ding dumadaan ang mga scooter sa kapitbahayan.
Pakikipag-ugnayan
Ang SFMTA ay nakipagtulungan sa Tenderloin People’s Congress upang makipag-ugnayan sa mahigit 300 miyembro ng komunidad upang tumulong sa pagpapasya ng mga priyoridad at pangangailangan para sa Jones. Isinama sa mga pagsusumikap sa pakikipag-ugnayang ito ang:
- Mga kawani ng proyekto na dumadalo sa buwanang pagpupulong ng komunidad
- Anim na virtual na workshop, kabilang ang sesyon sa isang wika (Espanyol)
- 30 event na may mesa sa labasan sa o malapit sa Jones, na umaabot sa mahigit 250 tao
- Virtual at sa-personal na pagsu-survey (352 kabuuang sagot)
- Personal na pakikipag-ugnayan sa bawat block ng Jones Street
Ang Tenderloin People's Congress ay nangunguna sa mga kaganapan sa pagtatanghal
Habang pinahahalagahan ng komunidad ang gawaing pagresponde ng SFMTA sa panahon ng COVID-19 at ang mga inisyatiba nito sa kaligtasan ng trapiko sa buong kapitbahayan, malinaw na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ay mayroon pa ring mga umiiral na problema sa kaligtasan sa trapiko na nakakaapekto sa mga dumadaan sa hanay ng Jones Street.
Kabilang sa apat na nangungunang tema tungkol sa mobilidad na ibinahagi sa panahon ng pakikipag-ugnayan ang:
- Kaligtasan ng Naglalakad –
- Karamihan sa mga sumagot sa aming survey ay karaniwang naglalakad, sumasakay ng pampublikong transportasyon, o nagbibisikleta sa hanay ng Jones.
- Nag-aalala ang mga sumagot sa mga hindi ligtas na kalagayan sa mga interseksyon sa pagitan ng mga sasakyan at tumatawid, at sa hanay ng mga bangketa na nagresulta sa muntikan na o talagang pagbangga sa mga scooter.
- Pagparada at Pagbaba at Pagsakay –
- Naramdaman ng 59% ng mga sumagot na hindi mabisa para sa kanila ang pagbaba at pagsakay/pagparada.
- Habang iba-iba ang mga bukas na komento, marami sa mga reklamo ay tungkol sa pabagu-bagong pagpapatupad sa pagparada ng sasakyan (hal., dobleng pagparada) at ang pangangailangan sa higit pang sakayan para sa paratransit at taxi.
- Mayroon ding mga komentong nagmumungkahi ng pangangailangan para sa programang paradahan ng sasakyan sa kapitbahayan para sa mga residente at mahahalagang manggagawa.
- Higit pang Espasyo para sa mga Tao! –
- Mahigit 87% sa kabuuan ng mga sagot sa survey ay bukas sa pagsasaaktibo programa sa kalye ng Jones.
- Kabilang dito ang interes sa mga programang pangkabataan at pampamilya gaya ng mga Play Street, pati na rin ang mga munting parke na gaya ng Safe Passage Park sa Turk Street.
- Pagiging Bukas ng Komunidad sa Lane para a Mobilidad –
- 72% ng mga sumagot sa kabuuang survey ay interesadong makita ang opsyon na lane para sa nagbibisikleta.
- Ang mga residente ng Tenderloin ay bumubuo sa mahigit kalahati ng mga sagot na ito, kung saan 64% ng mga residente ay interesado sa lane para sa nagbibisikleta, 16% ay laban dito, at 20% ay hindi makapagpasya.
- Batay sa mga komento sa survey at pakikipag-usap sa komunidad, nagkaroon ng malakas na interes na makakita ng mga oportunidad na pang-edukasyon na kahanay ng anumang mungkahi tungkol sa lane para sa nagbibisikleta, kabilang ang edukasyon para sa kaligtasan ng nagmamaneho, klaseng panimula para sa mga gumagamit ng scooter at nagbibisikleta, at mga ipinamimigay na helmet para sa kabataan.
Took Kit ng Quick-Build
Ang Jones Street Quick-Build ay bubuuin mula sa gawaing pagresponde sa COVID-19 na nakumpleto noong 2020 at 2021 na may tatlong pangunahing mithiin:
- Bumuo ng tiwala at koneksyon sa komunidad ng Tenderloin
- Pagbutihin ang kaligtasan sa trapiko para sa mga pinakabulnerableng gumagamit, partikular na ang mga naglalakad
- Bagalan ang pagmamaneho
- Bawasan ang dobleng pagparada at pagbutihin ang paggamit ng curb space para sa mga organisasyon at negosyo
Mga manggagawa ng SFMTA na naglalagay ng mga pininturahang sonang pangkaligtasan sa 6th Street
Ang mga quick-build project ay maiaayos at mababaligtad na pagpapabuti ng kaligtasan sa trapiko na mailalagay nang may kaukulang bilis. Hindi tulad ng malalaking kapital na proyekto na maaaring abutin ng maraming taon para magplano, magdisenyo, mag-bid, at magtayo, ang mga quick-build project ay maitatayo sa loob ng ilang buwan at nilalayon upang masuri at mapag-aralan sa loob ng 24 na buwang konstruksyon.
Ang mga karaniwang pagpapabuti sa quick-build ay maaaring kabilangan ng:
- Road diet (iyon ay, pag-alis ng mga lane para sa mga dumadaang sasakyan)
- Pintura, mga delineator sa trapiko, at mga karatula sa daan
- Mga pag-aayos sa pagparada ng sasakyan at pagsakay at pagbaba
- Pagta-timing ng ilaw pantrapiko
- Pag-a-upgrade ng mga lane para sa nagbibisikleta upang maprotektahan ang mga lane para sa nagbibisikleta
Mga Iminumungkahing Disenyo
Ang aming mga iminumungkahing disenyo ay ginabayan ng aming patuloy na pakikipag-ugnayan sa publiko, pag-aaral sa kapaligiran, pakikipagtulungan sa aming mga kasamang rumeresponde sa emerhensya, at gawain para sa COVID-19. Gamit ang toolkit ng programang Quick-Build, ang mga iminumungkahing disenyo ay binuo sa pamamagitan ng kaalamang natutunan namin sa nakaraang ilang buwan.
Ang mga saloobing natanggap mula sa panahon ng open house na ito kasama ang mga limitasyon sa inhinyeriya ay makakatulong sa pagpapasya ng mas gustong opsyong disenyo para sa Jones Street. Ang disenyong ito ay ihaharap sa pormal na pampublikong pagdinig sa tagsibol ng 2022.
Upang makita ang mga opsyong disenyo, gamitin ang mga slider upang maikumpara ang kasalukuyang disenyong may mga iminumungkahing alternatibo. Kapag nakita mo na ang mga disenyo, ipaalam sa amin ang opsyong mas gusto mo sa seksyong "Opinyon" sa ibaba. Maaari mo ring tingnan ang bersyong PDF ng mga opsyong disenyo sa pamamagitan ng pag-click sa kahong PDF sa ibaba.
Opsyong Disenyo A: Road Diet na may makikitid na buffer at mga Painted Safety Zone (PSZ)
Jones at Ellis
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Mga kulay ng bangketa
Mga konsiderasyon at kompromiso
- Mga kapakinabangan ng pagpapabagal ng pagmamaneho sa pamamagitan ng pag-alis ng isang lane ng trapiko
- Binabawasan ang mga banggaan sa pagitan ng mga taong nagmamaneho at naglalakad
- Binabawasan ang pakikipag-unahan sa pagmamaneho
- Ang makikitid na buffer ay nagpapahintulot sa mga sasakyang tumabi para padaanin ang mga pang-emerhensyang sasakyan
- Mga Painted Safety Zone para mas lalong makita ang mga tumatawid at ang mga interseksyon
- Mga pagbabago sa bangketa upang suportahan ang mga pangangailangan ng block gaya ng pagsakay at pagbaba ng paratransit at pangkomersyong sasakyan.
Opsyong Disenyo B: Road Diet na may Class II (2) Daanan ng Nagbibisikleta at mga Painted Safety Zone (PSZ)
Jones sa pagitan nina Ellis at O'Farrell
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Kasalukuyang kondisyon
Iminungkahing Disenyo
Mga konsiderasyon at kompromiso
- Mga kapakinabangan ng pagpapabagal ng pagmamaneho sa pamamagitan ng pag-alis ng isang lane ng trapiko
- Binabawasan ang mga banggaan sa pagitan ng mga taong nagmamaneho, nagbibisikleta, at naglalakad
- Binabawasan ang pakikipag-unahan sa pagmamaneho
- Nagpiprisinta ng opsyong lane para sa mobilidad (Class II daanan ng nagbibisikleta) para sa mga bisikleta, scooter, atbp.
- Nagpiprisinta ng opsyong lane para sa mobilidad (Class II daanan ng nagbibisikleta) na protektado
- Walang north o south bound na lane para sa nagbibisikleta sa kapitbahayan na malapit sa Polk
- Ang lane para sa nagbibisikleta ay magpapahintulot ng mas madaling konektibidad papuntang Turk at Golden Gate
- Kailangan ang higit pang pagpapabuti ng signal dahil sa koneksyon ng pagbibisikleta mula sa Jones patungong Golden Gate
- Maliliit na epekto ng pagparada ng sasakyan
- Mga Painted Safety Zone para mas lalong makita ang mga tumatawid at ang mga interseksyon
- Mga pagbabago sa bangketa upang suportahan ang mga pangangailangan ng block gaya ng pagsakay at pagbaba ng paratransit at pangkomersyong sasakyan
Iminumungkahi ang daanan ng bisikleta sa silangang bahagi dahil sa mga pangangailangan para sa paratransit at transit sa kanlurang bahagi. Pagprisinta ng lane para sa nagbibisikleta sa kanlurang bahagi na lumilikha ng hindi pagkakaayon sa parehong mga sasakyan sa 27 Bryant at mga sasakyang paratransit na nagbababa at nagsasakay
- Isinaalang-alang ng pangkat ng proyekto ang iba pang mga posibleng disenyo para sa Jones Quick-Build, ngunit hindi isinama sa mga iminumungkahing alternatibo dahil sa iba't ibang limitasyon sa inhinyeriya at pagpapatakbo. Kabilang dito ang disenyong paradahan na protektadong lane para sa nagbibisikleta na hindi nagbigay ng pinakamababang lapad na kailangan para sa ating mga tagaresponde sa emerhensya.
- Isinaalang-alang din ang protektadong lane para sa nagbibisikleta, ngunit hindi inirerekomenda ng mga kawani sa pagkakataong ito dahil sa mga kasalukuyang pangangailangan para ma-access ang bangketa para sa pagsakay at pagbaba ng pasahero at mga serbisyo.
Iskedyul ng Proyekto
Unang Bahagi ng Tagsibol 2022
Open House (virtual at sa-personal)
Huling Bahagi ng Tagsibol 2022
Pampublikong Pagdinig, pag-apruba ng Lupon
Tag-init ng 2022
Konstruksyon
Opinyon
Salamat sa pagbisita sa aming open house!
Pagkatapos mapag-aralan ang dalawang opsyong disenyo ng kalye sa itaas, mangyaring ipaalam sa amin kung alin ang mas gusto mo sa pamamagitan ng pag-click sa buton sa ibaba.
Habang live ang website ng Open House, makakausap ang mga kawani sa pamamagitan ng email at telepono
- Mag-email sa amin sa TLStreets@sfmta.com
- Tumawag sa amin sa 415.646.2227
Tingnan ang mga Komento/Tanong na Natanggap