Page Slow Street 2.0 na Proyekto

Virtual na Open House

Mabuhay!

Salamat sa paglahok sa Open House ng Proyektong Page Slow Street 2.0! Ito ay pagkakataon upang malaman ang higit pa at magbigay ng puna sa mga iminungkahing pagpapabuti sa kaligtasan ng trapiko ng SFMTA sa kahabaan ng Page Slow Street sa pagitan ng Stanyan Street at Market Street.

Ang online na Open House na ito (kilala rin bilang Storymap) ay magiging available mula Pebrero 14, 2025 hanggang Marso 7, 2025. Kung makaranas ka ng anumang mga isyu sa web page na ito, mag-email kay Grant Brokl sa  Grant.Brokl@sfmta.com 

Tulong sa wika: Makipag-ugnayan sa 311 - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم

Paano Mag-navigate

Ang Open House na ito ay pinakamahusay tingnan sa laptop o desktop web browser, pero naa-access din ito ng tablet o mga mobile device.

Mayroong navigation bar sa itaas ng web page na makakatulong sa iyong pumunta sa mga partikular na seksyon kung saan ka interesado, katulad ng mga layunin ng proyekto, iskedyul ng proyekto at higit pa. Para sa buong konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang pag-scroll mula sa simula hanggang sa katapusan.

Para mag-iwan ng tanong o komento, pakibisita ang seksyong "Feedback (Puna)", na makikita sa navigation bar sa itaas, sa ibaba ng web page na ito, o sa pamamagitan ng pag-click sa button sa ibaba.

Background

Ang Page Street ay pangunahing pasilangan-kanluran (east-west) na aktibong koridor ng transportasyon na nag-uugnay sa Golden Gate Park sa Market Street at tumatakbo sa Haight-Ashbury, Lower Haight, at Hayes Valley – at sumusuporta sa pag-access sa ilang paaralan.

Ang Page Street ay kasama sa COVID-19 Emergency Slow Streets na Programa at opisyal na idinagdag sa   Slow Streets Program  noong Enero ng 2023. Mula noong 2020, ang SFMTA ay nagpatupad ng ilang pagpapabuti sa kahabaan ng koridor, kabilang ang mga limitasyon sa through-traffic, Slow Street signage, at mga bagong hakbang sa kaligtasan ng pedestrian.

Ngayon, ang Page Street ay isa sa pinakasikat na Slow Street ng San Francisco, ngunit naniniwala kami na maaari itong maging mas komportable at nagbibigay inspirasyon para sa lahat ng mga gumagamit.

Para gumana ang Slow Streets, kailangang manatiling hindi mabigat ang trapiko, gayundin ang bilis ng sasakyan. Gumagamit ang SFMTA ng pamamaraang nakabatay sa datos (data-driven approach) upang matiyak na natutugunan ng Slow Streets ang mga sumusunod na pamantayan na hindi masyadong nakakapagod:

  • Mga volume ng sasakyan na 1,000 kada araw o mas kaunti
  • Mga bilis ng sasakyan na 15 mph o mas mababa 

Pagkatapos mag-install ng mga bagong traffic diver at Slow Street na signage o palatandaan noong nakaraang taon, ang SFMTA ay nangolekta ng datos ng trapiko sa kahabaan ng Page Slow Street upang masuri ang kalagayan sa koridor, at upang ipaalam ang mga potensyal na pagbabago sa hinaharap. Kasama sa mga paunang napag-alaman ang:

  • Halos lahat sa Page Street ay nakakatugon sa mga naka-target na bilis at dami sa ilalim ng Slow Streets na Programa.
  • Nananatiling mga isyu ang kaligtasan at pagsunod sa mga diverter sa kahabaan ng corridor at lalo na sa Octavia Boulevard, kabilang ang mga driver na naglalakbay sa maling daan pababa sa one-way block upang ma-access ang freeway.
  • Ang mga purple sign o karatula at flex post ay regular na nasisira at nangangailangan ng patuloy na maintenance.

Ang Page Slow Street 2.0 na Proyekto ng SFMTA. ay naghanda ng mga disenyo ng konsepto para sa mga potensyal na bagong trapiko at mga pag-upgrade ng streetscape sa kahabaan ng koridor. Sisiyasatin ng mga pagpapabuting ito ang pag-upgrade ng mga paunang feature na may mababang halaga na may mas permanenteng feature sa ilang bahagi, kabilang ang mga kongkretong istruktura, upang matugunan ang patuloy na mga isyu sa pagsunod at maintenance.

Mangyaring bigyan ang application ng ilang minuto upang mag-load habang tumitingan ka sa mga mapa sa ibaba.

Mga Layunin ng Proyekto

Ang Page Slow Street 2.0 na Proyekto ay nakatuon sa pagpapabuti ng kaligtasan ng trapiko, kaginhawahan, at kalagayan ng ng kapitbahayan sa kahabaan ng Page Street sa pagitan ng Stanyan Street at Market Street. Ang proyekto ay naglalayong i-upgrade ang dati nang inilagay na mga hakbang (katulad ng paglalagay ng linya o marka sa kalsada, mga plastik na poste at mga palatandaan) na may mas permanente at epektibong mga materyales; at isaalang-alang ang iba pang mga pagkakataon sa pagpapabuti na prayoridad ng komunidad.

Ano ang Aming Narinig Sa Ngayon

Sa mga unang yugto ng pakikipag-ugnayan, nakipag-usap kami sa daan-daang miyembro ng komunidad sa ilang personal na kaganapan pati na rin sa mga pangunahing stakeholder sa kahabaan ng koridor kabilang ang mga asosasyon ng kapitbahayan, paaralan, simbahan, at negosyo. Ang mga sumusunod na tema ay nagbubuod sa mga pangunahing hangarin na aming narinig:

Mga Pagpapabuti ng Trapiko

  • Bawasan ang maling daan na pagmamaneho sa one-way na seksyon ng Page sa pagitan ng Laguna at Octavia
  • Pagbutihin ang pagsunod ng driver sa mga diverter
  • Magdagdag ng mas malinaw na palatandaan para sa mga driver
  • Pagbutihin ang kaligtasan para sa paghatid/pagsundo sa paaralan

Mga Pagpapabuti ng Pedestrian at Bisikleta

  • Bawasan ang salungatan ng pedestrian at bisikleta/scooter
  • Paigtingin na mas nakikita ang pedestrian at nagbibisikleta sa mga intersection
  • Magdagdag ng mga nakataas na crosswalk o speed hump
  • Pagbutihin ang mga kasalukuyang diverter

Mga Iminungkahing Disenyo

Ang mga iminungkahing disenyo ng SFMTA ay ginagabayan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa publiko at mga pagsusumikap sa pakikipagtulungan sa transit, mga emergency responder, at iba pang mga grupo ng stakeholder. Ang input na natanggap sa panahon ng open house na ito kasama ang natukoy na mga hadlang sa engineering ay makakatulong sa pagpapabatid ng gustong opsyon sa disenyo para sa Page Street.

Ang SFMTA ay nagmumungkahi ng disenyo ng kalye sa Page Street na kinabibilangan ng apat na pangunahing elemento:

(1) Mga Pag-upgrade ng Purple Sign: Sa mga piling intersection, itaas ang mga purple na sign or palatandaan papunta sa mga kongkretong istruktura. Ang mga konkretong istrukturang ito ay mangangailangan ng pagkawala ng ilang mga parking spot malapit sa mga intersection upang mapabuti ang visibility sa pagitan ng mga gumagamit ng kalsada, paigtingin ang wastong pagmamaneho at pag-uugali sa paradahan, bawasan ang maintenance, at magbigay ng mga pagkakataon para sa kalagayan ng kapitbahayan.

Maaaring magdagdag ng mga karagdagang kongkretong istruktura sa kahabaan ng mga median ng mga piling kalyeng tinatawiran upang makatulong na paigtingin ang kamalayan sa Slow Street at pagbutihin ang kaginhawaan ng gumagamit.

(2) Mga Pag-upgrade ng Diverter: Sa mga umiiral nang diverter, maglagay ng mga kongkretong istruktura upang mapabuti ang pagsunod ng driver at bawasan ang maintenance. Kasama ang mga diverter sa Octavia, Laguna, Webster, Divisadero, Masonic, at Stanyan. Ang mga konkretong istrukturang ito ay hindi makakaapekto sa paradahan.

(3) Mga Pagsasaayos ng Intersection: Ayusin ang mga daanan ng sasakyan o bisikleta upang mapabuti ang kaligtasan at mapaigtingin ang wastong pag-uugali. Kabilang ang mga intersection sa Octavia Boulevard at sa Market Street.

(4) Green Infrastructure: Magdagdag ng mga pagpapahaba o ekstensyon ng sidewalk (bulb-out) sa Baker Street upang mapabuti ang pamamahala ng tubig-bagyo at paikliin ang mga distansya ng tawiran, bukod sa iba pang mga benepisyo.

Bagama't ang kasalukuyang disenyo ng Page Slow Street ay naging matagumpay sa pagpapanatiling mabagal ang takbo ng sasakyan, ang 2.0 na proyekto ay maaari ding maglakip ng mga speed hump o speed table malapit sa mga paaralan upang higit na mapabagal ang mga gumagamit ng kalsada. Maaaring kabilang sa iba pang mga pagpapabuti ang mga pagsasaayos ng palatandaan at pinababang mga limitasyon sa bilis.

Ang apat na pangunahing elemento ay ipinapakita sa mapa sa ibaba.

(1) Mga Pag-upgrade ng Purple Sign

Mga Umiiral na Isyu: Regular na sinisira ng mga driver ang mga umiiral nang purple sign o palatandaan. Kapag nasira, ang mga purple sign ay hindi na gaanong epektibo sa pagpapabagal ng mga sasakyan at nangangailangan ng patuloy na maintenance ng sign shop ng SFMTA.

Mga Iminungkahing Pagsasaayos: Ang mga purple sign ay itataas sa mga bagong kongkretong istruktura upang mabawasan ang pinsala mula sa mga driver. Ang mga konkretong istruktura ay makakatulong na paigtinngin ang wastong pag-uugali sa pagmamaneho habang binabawasan ang maintenance.

(2) Mga Pag-upgrade ng Diverter

Mga Umiiral na Isyu: Ang mga driver ay sumusuway sa mga paghihigpit sa pagliko sa mga partial at median diverter, nakakapinsala sa mga flex post at lumilikha ng mga alalahanin sa kaligtasan para sa ibang mga gumagamit ng kalsada.

Mga Iminungkahing Pagsasaayos: Ang mga kongkretong istruktura ay ilalagay upang makatulong na paigtingin ang wastong pag-uugali sa pagmamaneho habang binabawasan ang maintenance.

Pag-upgrade ng Median Diverter

UMIIRAL vs. IMINUNGKAHING DISENYO NG MEDIAN DIVERTER

Pag-upgrade ng Partial Diverter

(3) Pagsasaayos ng Intersection

Laguna - Octavia na Disenyo

Mga Umiiral na Isyu: Ang mga driver ay regular na sumusuway sa mga paghihigpit sa pagliko sa Laguna Street at nagmamaneho sa maling paraan pababa sa one-way na seksyon ng Page Street upang ma-access ang Octavia Boulevard, na lumilikha ng mga alalahanin sa kaligtasan para sa ibang mga gumagamit ng kalsada. Ginagamit din ng mga driver ang mga lokal na daanan ng Octavia Boulevard upang i-bypass ang trapiko sa mga pangunahing daanan sa mga oras ng pagsisikip ng trapiko.

Mga Iminungkahing Pagsasaayos: Ang mga konkretong istruktura ay idaragdag sa mga umiiral na diverter sa Laguna at Octavia upang makatulong na paigtingin ang wastong pag-uugali sa pagmamaneho habang binabawasan ang maintenance. Ang mga karagdagang paghihigpit sa pagliko at mga kongkretong istruktura ay idadagdag sa mga lokal na daanan ng Octavia upang hadlangan ang trapiko pati na rin maiwasan ang maling pagmamaneho sa Page Street.

UMIIRAL NA DISENYO

Market Street na Disenyo

Mga Umiiral na Isyu: Ang daanan ng bisikleta na patungo sa silangan (eastbound) ng paglalakbay mula sa Page Street hanggang Market Street ay tumatawid sa mga track ng streetcar sa anggulo, na ginagawang hindi gaanong komportable ang karanasan sa pagsakay. Bukod pa rito, ang intersection ay walang malayong signal upang gabayan ang mga nangbibisikleta sa silangan sa buong Market Street.

Mga Iminungkahing Pagsasaayos: Ang daanan ng bisikleta na patungo sa silangan (eastbound) ay aayusin upang gabayan ang mga nagbibisikleta sa bagong two-way na daanan ng bisikleta sa hilagang bahagi ng Market Street bago tumawid sa timog na bahagi sa panahon ng pedestrian crosswalk phase. Ang bagong landas ng paglalakbay na ito ay tatawid sa mga riles ng streetcar na perpendicular at magbibigay ng mas malinaw na direksyon sa Market Street.

(4) Green Infrastructure

Baker Street

Umiiral: Ang Baker Street ay isa sa pinakamalawak at pinakamatarik na kalye sa kahabaan ng Page Slow Street, na lumilikha ng mga alalahanin sa kaligtasan para sa lahat ng mga gumagamit ng kalsada at lalo na sa kalapit na mga preschooler. Ang Baker intersection ay nakaranas din ng panaka-nakang pagbaha. Ang laki at lokasyon ng intersection ay ginagawa din itong magandang pagkakataon para sa greening napagtatanim na kumukuha at nagpapabagal sa stormwater that   kumukuha at nagpapabagal ng umaagos na tubig-bagyo (captures and slows stormwater runoff .

Mga Iminungkahing Pagsasaayos: Ang mga bagong bulb-out ay magpapaikli sa mga tawiran at magpapabagal ng sasakyan habang nagbibigay ng pinahusay na pamamahala ng tubig-bagyo, tirahan sa lungsod, at imprastraktura na lumalaban sa baha. Humigit-kumulang 4-6 na puwang ng parking ang muling gagamitin para sa mga bagong bulb-out.

Puna

I-click ang link sa ibaba upang magbigay ng input sa mga iminungkahing disenyo.

Iskedyul ng Proyekto

Makipag-ugnayan sa Amin

Salamat sa pagbisita sa aming virtual na open house!

Mga iba pang tanong, komento, o alalahanin na hindi nasagot dito? Tingnan ang webpage ng aming proyekto o mag-email kay Grant Brokl sa Grant.Brokl@sfmta.com kasama ang iyong puna.

UMIIRAL vs. IMINUNGKAHING DISENYO NG MEDIAN DIVERTER

UMIIRAL NA DISENYO