Leavenworth Street

Mga Proyektong Quick-Build (Mabilisang Konstruksiyon) sa Tenderloin Virtual Open House Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagaw

Pinakabagong impormasyon tungkol sa Pasasara ng StoryMap: Salamat po sa inyong pagbisita sa Leavenworth Quick-Build Project Virtual Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Leavenworth)! Sarado na ngayon ang pagkokomento ng publiko sa Open House. Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang mga natanggap na opinyon at naghahanda para sa Pampublikong Pagdinig (Public Hearing). Mananatiling buhay ang site na ito upang masiyasat pa rin ng publiko ang proyekto at makakuha sila ng iba pang impormasyon.  

Maligayang pagdating! 

(pakipili ang iyong mas gustong wika sa ibaba)

Salamat po sa inyong pagsali sa Leavenworth Quick-Build Project Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Leavenworth)! Isa po itong pagkakataon para malaman pa ninyo ang tungkol sa Leavenworth Quick-Build Project. Hinihingi po namin ang inyong opinyon tungkol sa mga posibleng disenyo ng kalye para sa koridor na ito, at nang mas higit naming matugunan ang inyong mga pangangailangan para sa kaligtasan. Puwede ninyong direkta nang mapuntahan ang mga mungkahing disenyo ng kalye gamit ang toolbar na nasa itaas, o puwede kayong magpatuloy sa pag-iiscroll upang malaman pa ang tungkol sa konteksto ng proyekto. 

Gusto namin kayong mapakinggan!

Puwedeng mapuntahan ang website ng Open House (na kilala rin bilang storymap) para sa pagbibigay ng opinyon mula Disyembre 15, 2020 hanggang Enero 15, 2021. Bagamat live (napapanood mismong sa oras na nagaganap) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at malugod din namin namin kayong tatanggapin sa aming mga oras ng pag-oopisina para sa mga karagdagang tanong. 

Kung Paano Magagamit ang Website

Pinakamainam na natitingnan ang Open House storymap website sa pamamagitan ng web browser sa laptop o browser, pero mapupuntahan din ito gamit ang tablet o iba pang mobile na kagamitan.

May navigation bar sa itaas ng web page na matutulungan kayong pumunta sa mga espesipikong seksiyon na interesado kayo, tulad ng impormasyon tungkol sa kaligtasan, mungkahing disenyo, at iskedyul ng proyekto. Kung hindi naman, para sa kabuuang konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang pag-iiscroll mula sa simula hanggang sa dulo. 

Para mag-iwan ng tanong o komento, pakibisita ang seksiyon ukol sa “Opinyon", na matatagpuan sa navigation bar na nasa itaas o nasa pinaka-ibaba ng web page na ito. Puwede rin ninyong direktang mapuntahan ang sarbey ukol sa mga opinyon (feedback survey sa Ingles)  dito 

Kapag nagkaroon kayo ng problema sa web page na ito, mangyaring magpadala ng email sa  TLStreets@sfmta.com .

Tulong sa wika:

 Contact 311  - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم


Pangkalahatang Impormasyon

May pangako ang SFMTA na kompletuhin ang dalawang proyektong quick-build o mabilisang konstruksiyon sa Tenderloin at nang mapaghusay ang mga kondisyon ng trapiko para sa lahat ng gumagamit ng daan sa mga koridor na ito. Nagmumula ang pagsusumikap na ito sa mahigpit na paghiling ng komunidad ng Tenderloin para sa mas malalaking pamumuhunan sa mga solusyon para sa kaligtasan sa trapiko. Ipatutupad ang quick-builds sa Golden Gate Ave (mula Market hanggang Polk streets) at sa Leavenworth St (mula McAllister hanggang Post streets).

Magsasagawa ang proyektong ito ng mabibilis at nababago-bago na pagpapahusay para sa kaligtasan ng trapiko, kung saan bibigyan ng prayoridad ang pinakabulnerableng mga gumagamit ng daan sa pamamagitan ng pagbabawas ng lane, pasilidad para sa ligtas na paglalakad at pagbibisikleta, at pamamahala sa curb o gilid ng mga bangketa.

Dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa, magsasagawa ang mga Mga Proyektong Quick-Build ng Leavenworth at Golden Gate ng magkasamang kampanya para sa pag-abot sa nakararami, kasama na ang open house na ito. Pahihintulutan nito ang may koordinasyong mga diskusyon tungkol sa mga usapin sa kaligtasan sa trapiko at pangangailangan sa pagsasakay. 

Sa dulo ng pahinang ito, iimbitahin kayong magbigay ng opinyon sa isa man o sa dalawang quick-build na proyekto ng Tenderloin sa pamamagitan ng aming online na sarbey. Puwede rin ninyong i-klik ang “Opinyon” sa toolbar na nasa itaas para direktang pumunta sa seksiyon na iyon.

Batayang Impormasyon

Ang Tenderloin ay komunidad kung saan napakaraming tao kung ihahambing sa laki ng lugar at may diversity o pagkakaiba-iba ang mga nakatira, at matatagpuan ito sa pinakasentro ng San Francisco. Tahanan ito ng ilang komunidad, at marami sa kanila ang nagbibiyahe sa kabuuan ng Lungsod nang hindi gumagamit ng kotse. Gayon pa man, hindi napadadaloy nang mahusay ng kasalukuyang disenyo ng kalye ang pagbibiyahe nang hindi gumagamit ng kotse o sasakyang de-motor. Kinakaharap ng mga naglalakad at nagbibisikleta ang masikip na trapiko at agresibong asal sa pagmamaneho habang dumaraan sa mga kalye. 

*Mangyaring bigyan ng ilang minuto ang application na mag-load habang nag-iiscroll kayo sa mga mapa na nasa ibaba.

Nasa High Injury Network ng Lungsod ang Leavenworth Street. 

Binubuo lamang ang High Injury Network ng San Francisco ng 13% ng mga kalye ng Lungsod, kung saan nagaganap ang 75% ng malalala at nakamamatay na banggaan o pagkakabundol.

Sa Leavenworth Street sa pagitan ng McAllister at Post, nagkaroon ng 83 banggaan o pagkakabundol, na humantong sa 9 malalang pagkakapinsala at 3 pagkamatay, nitong nakaraang limang taon.

Sa kabuuang naiulat na banggaan o pagkakabundol na ito, 56% ang kinasangkutan ng naglalakad, 32% ay mga sasakyan lamang, at 12% ang kinasangkutan ng nagbibisikleta.

Kasama sa mga pangunahing salik o factor sa mga banggaan o pagkakabundol sa Leavenworth ang: 

  • Hindi pagbibigay-daan ng nagmamaneho sa higit na karapatan ng naglalakad
  • Paglabag sa pulang signal  
  • Hindi ligtas na bilis ng pagmamaneho 
  • Hindi ligtas na pagliko o pagpapalit ng lane 

Noong Setyembre 2017, may nasawing sisenta y sais na matandang lalaki na naka-wheelchair matapos makaladkad ng tow truck, habang tumatawid ng Leavenworth Street sa may tawiran ng Golden Gate Avenue. Nalimitahan ng taas ng tow truck ang kakayahan ng nagmamaneho na makita ang matanda habang tumatawid ito ng kalye.

May nasawi ring 58 taong gulang na babae sa hilagang bahagi ng gayon ding interseksiyon. Maulan na araw iyon noong Marso ng 2019, at katatapos pa lamang ng nagmamaneho na kumaliwa mula sa Golden Gate Avenue papuntang Leavenworth Street. Hindi niya napansin ang babae sa kalye at nabigo siyang magbigay-daan kung kaya’t nagbunga ito ng pagkamatay ng babae.

Noong 2016, may tao na nabundol sa Leavenworth at Ellis Street. Umuulan noon at nilampasan ng nagmamaneho ang pulang ilaw at napatay nito ang naglalakad. 

Karamihan sa mga tao na pinakabulnerable sa mga pagkakabundol ng sasakyan ay nakatira sa Tenderloin. 

Ang Tenderloin ang tahanan ng marami sa pinakabulnerableng populasyon ng San Francisco -- mga taong may kulay, matatanda, bata, indibidwal na napakabababa ng kita, imigrante, indibidwal na nahihirapan dahil sa sakit sa isip at/o adiksiyon, at mga indibidwal na nakararanas ng kawalan ng tahanan. Wala sa proporsiyong naaapektuhan ang mga grupong ito ng malalalang pinsala at pagkasawi nang dahil sa trapiko.

Nitong nakaraang limang taon, nagkaroon na ng ilang pagsusumikap upang mapaghusay pa ang kaligtasan sa trapiko sa komunidad, kasama na ang  proyektong Safer Taylor  at ang pagsusumikap para sa pag-iilaw sa araw (daylighting) at pagpapalit ng dalas ng pagpapalit ng ilaw (signal retiming) sa kabuuan ng komunidad. Gayon pa man, patuloy ang pagkakaroon ng Tenderloin ng pinakamataas na porsiyento ng malalala at nakamamatay na pagkakapinsala sa mga naglalakad sa Lungsod. Ito ang dahilan kung bakit may pangako ang SFMTA na magkaroon ng mas ligtas na mga kalye sa Tenderloin gamit ang aming Quick-Build toolkit (mga kagamitan para sa mabilisang konstruksiyon).

Quick-Build Toolkit (Mga Kagamitan para sa Mabilisang Konstruksiyon)

Ang mga proyektong quick-build ay mga pagpapahusay para sa kaligtasan sa trapiko na nababago-bago at naiaayon, at puwedeng mas mabilis na maisagawa ito ng mga kawani ng lungsod gamit ang pintura sa kalye, street bollards (mabababang pangharang na poste) at pantrapikong karatula. Kaiba sa malakihang capital projects (pagpapahusay sa mga istruktura) na posibleng abutin ng taon-taon sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagbi-bidding at konstruksiyon, naisagagawa ang mga proyektong quick-build sa loob ng ilang buwan at napag-aaralan, nagagawan ng  ebalwasyon , at naiaayon sa loob ng takdang panahon na 24 buwan matapos ang pagsisimula ng konstruksiyon.

Puwedeng matugunan ang karamihan sa mga problema sa kaligtasan sa trapiko na nakikita natin sa Tenderloin sa pamamagitan ng mga pagpapahusay na quick-build. Bagamat karaniwan nang maliit ang gastos sa quick-builds at gumagamit ang mga ito ng materyales na low-impact (hindi nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran ang paggamit), nakalilikha ito ng napaka-epektibong mga resulta. Gumaganap ng mahalagang papel ang pag-abot sa nakararami sa komunidad at ang paglahok ng mga tao sa komunidad sa pagtitiyak na naaangkop na nakatutugon ang mga proyektong quick-build sa mga pangangailangan ng magkakakalapit-bahay. 

Para sa iba pang impormasyon, pakibisita ang  SFMTA.com/QuickBuild .

I-klik ang arrow na nasa kanan ng mga larawan sa ibaba, at nang makapag-swipe sa ilan sa kasangkapang pinag-iisipan namin para sa proyecto.

Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) /Pagbabawas ng mga Lane    

Kasama sa road diet ang pagbabawas ng lane sa trapiko sa takdang kalye kung kaya’t nahihikayat ang mga tao na magmaneho nang mas mabagal, at dahil dito, posibleng magbunga ito ng mas kaunting banggaan at pagkakabundol. Posibleng makalikha ang mga ito ng mas maraming espasyo para sa mga naglalakad at nagbibisikleta. (Larawan: Taylor Street) Bilang bahagi ng 6th Street Quick-Build, sa karaniwan ay nagkaroon ng 21% pagkabawas sa ika-85 percentile (puwesto kung ihahambing sa iba pa) na bilis ng takbo ng sasakyan. 

Nakapintang mga Sona na Pangkaligtasan

Puwedeng maglagay ng lugar na may kulay na tan (mapusyaw na kayumanggi), na ibinabalangkas ng flexible o nababaluktot na puting mga poste (o bollards) upang mapabagal ang lumilikong mga sasakyan at higit na makita ang mga tao na tumatawid ng kalye. (Larawan: Folsom/8th streets) Nang inilagay ang mga PSZ sa 9th at Division, lumiko ang 98% ng mga sasakyan nang may bilis na nasa, o mas mababa pa sa, limitasyon ng bilis dapat ng sasakyan.  

Continental Crosswalks (tawiran na parang hagdan o zebra ang mga guhit) at Advanced Limit Lines (puting linya na nagpapakita kung saan dapat huminto ang mga sasakyan)      

Ang continental crosswalks ay mga marka sa semento o aspalto sa mga interseksiyon, at nang inaasahan na ng mga tao na may tatawid na mga naglalakad. Ang advanced limit lines ay gabay na marka sa semento at aspalto, na nagtatakda sa mga sasakyan na huminto nang 5 hanggang 8 ang layo mula sa tawiran. 

Mga Pagbabago sa Pagpaparada at Pagsasakay 

Kasama sa mga pagpapahusay na ito ang pagbabago sa mga espasyong nasa gilid ng bangketa o curb space at sa gamit sa mga ito, at nang higit na matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad at ng mga negosyante, at mabawasan din ang doble-dobleng pagpaparada. Kasunod ng paglalagay ng 6th Street Quick-Build project at ng mga pagbabago sa pagpaparada at pagsasakay, nagkaroon na ng 76% na pagbabawas sa panahon para sa pagsasakay.

Protektadong mga Pagkaliwa

Nagkakaloob ang ginawang ito ng espesipikong panahon para sa pagsenyas sa mga sasakyang kumakaliwa, kung kaya’t mas nahuhulaan ito, at mas nagiging kaunti ang posibleng interaksiyon sa pagitan ng mga sasakyan at naglalakad.

Traffic Signal Retiming (pagbabago ng dalas ng pagpapalit ng ilaw trapiko)

Epektibong paraan ang signal retiming upang mapaghusay pa ang daloy ng trapiko at kaligtasan sa koridor. Posibleng kasama sa mga pagbabago ang lead pedestrian intervals (pagpapauna sa mga naglalakad, LPI), pedestrian scrambles (naghihinto sa lahat ng sasakyan), lahat ng pulang ilaw, at progression speed (bilis ng sistema ng mga ilaw trapiko).

Ang Leavenworth Street sa Ngayon

A photo of Leavenworth Street heading northbound

Kasalukuyang mga kondisyon ng Leavenworth Street

Sa kasalukuyan, daan na may tatlong lane at dalawang lane na paradahan sa magkabilang gilid ang Leavenworth na nasa pagitan ng McAllister at Post streets. Bagamat 25 milya lamang kada oras ang legal na limitasyon sa bilis ng sasakyan sa koridor na ito, may kasaysayan ito ng napakabilis na pagpapatakbo ng sasakyan, na nagresulta na sa malalalang pinsala at nakamamatay na banggaan at pagkakabundol. Hangad ng Leavenworth Quick-Build Project na:

  • Paghusayin ang kaligtasan sa trapiko sa Leavenworth Street
  • Paghusayin ang pagsasakay ng mga negosyo, pagsakay ng mga pasahero at pamamahala sa gilid ng bangketa sa Leavenworth
  • Bawasan ang bilang ng mga banggaan at pagkakabundol sa pagitan ng mga naglalakad, nagbibisikleta, at sumasakay sa pampublikong transportasyon at ng mga nagmamaneho sa koridor.
1

Doble-dobleng Pagpaparada

Karaniwan na ang doble-dobleng pagpaparada at paglabag sa pulang sona sa may Leavenworth, lalo na sa pagitan ng Golden Gate at Ellis streets. Lalo pang mapanganib ang ganitong pag-asal kung malapit sa mga interseksiyon kung saan nakokompromiso ang kakayahang makita ang mga naglalakad.

2

Mga Interseksiyon

Nitong nakaraang limang taon, naganap ang halos 90% ng kabuuang mga banggaan at pagkakabundol sa pagitan ng McCallister at Post Streets sa mga interseksiyon. Sa mga banggaan at pagkakabundol na ito, may kaugnayan sa mga naglalakad ang mahigit sa kalahati (55%). Matatagpuan ang dalawang lugar kung saan pinakamarami ang naganap na pagkakabundol sa naglalakad sa Turk Street at Golden Gate Avenue.

3

Mga Banggaan at Pagkakabundol Habang Kumakanan at Kumakaliwa sa Interseksiyon

Karaniwan na ang mga pagkakabundol sa naglalakad ng sasakyan sa mga interseksiyon kung saan kumakaliwa o kumakanan ang mga kotse. Isa rin ito sa pangunahing salik o factor ng mga banggaan at pagkakabundol sa Leavenworth Street.

4

Napakabilis na Takbo ng Sasakyan

Malapad ang kalye, at may tendensiya ang mga nagmamaneho na magpatakbo ng sasakyan sa bilis na hindi ligtas. Nakapanghihikayat din ang lanes na para sa mahigit sa isang sasakyan (multiple vehicle lanes) sa paglampas ng isang sasakyan sa isa pa o overtaking at ang palipat-lipat ng lane o swerving. Ginagawang mahirap ng ganitong pag-asal na makatawid o makapasok ng kalye ang mga naglalakad.

5

Paglalakad sa Bangketa

Maraming residente ng Tenderloin ang naglalakad o sumasakay ng pampublikong transportasyon para makapunta sa trabaho at/o makakuha ng mga serbisyong pangkalusugan o panlipunan. Madalas na masisikip sa araw ang mga bangketa ng Leavenworth, lalo na sa pagitan ng McAllister at Ellis Streets. Sa ilang kaso, posibleng maging mahirap ang ligtas na pagdaraan sa mga ito lalo na para sa mga indibidwal na may kapansanan, matatanda, kabataan, at pamilya.

6

Kalidad ng Buhay

Nagsisilbi rin ang mga bangketa bilang karugtong na espasyo ng tirahan ng mga tao, may bahay man o wala. Kulang sa parke at luntiang espasyo ang Tenderloin, kung kaya’t ang mga bangketa ang natitirang lugar para sa pagtitipon-tipon at pakikisalamuha sa iba.

Pagbaling sa COVID-19 

Noong Marso 2020, pansamantalang inihinto ang Golden Gate and Leavenworth Quick-Build Projects upang masuportahan ang mga pangangailangan sa trapiko sa Tenderloin kaugnay ng COVID-19. Ibinaling ng mga pangkat para sa quick-build ang kanilang mga pagsusumikap sa mga layunin na mapaghusay pa ang pagkakaroon ng kailangang-kailangang mga serbisyo at higit na magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya. 

Mapa ng mga Pagpapahusay sa Trapiko na Ginawa sa Tenderloin

Nagsagawa ang SFMTA ng mga pagpapahusay sa Golden Gate, Ellis, Jones, at Turk streets upang higit na makapagkaloob ng napakahahalagang serbisyo at magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya. Dahil sa pangangailangan sa mga kawani para masuportahan ang mga pagsusumikap na may kaugnayan sa COVID-19 at nang higit na makakuha ang mga tao ng kailangang-kailangang mga serbisyo at lalo pang magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya, ibinaling ng mga pangkat para sa quick-build ng SFMTA ang kanilang atensiyon sa pagsuporta sa trabahong ito nitong nakaraang tag-araw at taglagas ng 2020. 

I-swipe ang mga larawan at deskripsiyon na nasa ibaba para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Tenderloin sa panahon ng COVID-19.

100 Block ng Golden Gate Avenue

Lubos na siksikan sa mga bangketa at hindi nagpahintulot ang mga ito ng pisikal na pagdidistansiya habang nakalinya at naghihintay ang mga tao upang makakuha ng pagkain at damit na ibinibigay ng St. Anthony's. Ngayon, mayroon nang mas malaking espasyo para sa pisikal na pagdidistansiya ang mga tao, at nang makakuha sila ng mga serbisyo at makadaan sa blokeng ito. 

200 Block ng Turk Street 

Sa Tenderloin, hindi makaalis ang mga bata at pamilya sa kani-kanilang mga tahanan sa loob ng maraming buwan. Sa pamamagitan ng pakikipagkolaborasyon sa TLCBD at Livable City, nagkaloob ang Play Street ng espasyo para sa mga pamilya at bata upang makapaglaro at makapag-ehersisyo noong Setyembre at Oktubre. 

300 block ng Golden Gate Ave at Larkin Street (nasa pagitan ng Eddy at O'Farrell)

Para makapagbigay ng tulong pinansiyal sa maliliit na negosyo, nakipagtrabaho ang SFMTA sa Tenderloin Merchants Association at nang madala ang Shared Spaces sa Larkin Street at sa Golden Gate Avenue.

Jones Street Physical Distancing Lane (Lane para sa Pisikal na Pagdidistansiya)

Nagkaroon ng malaking pangangailangan upang mabawasan ang lubos na pagiging siksik sa tao ng mga bangketa ng Jones Street nang dahil sa napakaraming naglalakad. Naglagay ang SFMTA ng mga lane na para sa pisikal na pagdidistansiya sa kalye na mula sa O’Farrell Street hanggang Golden Gate Avenue at nang mapahintulutan ang pisikal na pagdidistansiya sa mga naglalakad.

Mga Lugar para sa Pisikal na Pagdidistansiya sa Turk Street

Katulad ng Jones Street, pinalawak ng SFMTA ang espasyo sa gilid ng bangketa sa mga kanto ng mahahalagang interseksiyon sa may Turk Street, at nang mabawasan ang labis na siksikan sa mga bangketa.

300 Block ng Ellis Street

Naging problema rin ang lubos na napakasikip na mga bangketa sa may Ellis Street. Nakipagtrabaho ang SFMTA sa mga lokal na organisasyong tulad ng Glide, upang maisara ang bloke, at sa gayon, makapagbigay ng mas malaking espasyo para sa kailangang-kailangang mga serbisyo na tulad ng libreng pagkain, pagte-testing para sa COVID-19, food pantries (mapagkukunan ng pagkain) at marami pang iba.

Pagsisimulan at paghuhusayin pa ng Tenderloin Quick-Builds ang gawaing ito at maghahatid ito ng karagdagang mga pagpapahusay sa kaligtasan sa trapiko sa komunidad sa mga darating na buwan. 

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagsusumikap sa panahon ng COVID-19 na nagaganap sa Tenderloin, mangyaring bumisita sa  SFMTA.com/TLStreets .

Iskedyul ng Proyekto

Mga Opsiyon para sa Mungkahing Disenyo  

Ginagabayan ang aming mungkahing disenyo ng aming patuloy na pampublikong pag-abot sa mas nakararami, mga limitasyon nang dahil sa kapaligiran, pakikipagkoordinasyon sa aming mga ka-partner para sa pang-emergency na pagtugon at trabahong may kaugnayan sa COVID-19. Gamit ang Quick-Build toolkit, binibigyang-impormasyon ang aming disenyo ng mga resulta ng aming trabaho nitong nakaraang ilang buwan. 

Kasalukuyang sinisiyasat ng SFMTA ang dalawang posibleng disenyo upang mapahusay ang kaligtasan sa trapiko sa Leavenworth Street kaugnay ng mga quick-build toolkit na mga hakbang na nabanggit sa itaas. Makatutulong ang paggamit sa mga opinyong natanggap mula sa virtual open house na ito, kasama ng mga limitasyon sa pag-iinhinyero, upang mapagpasyahan ang mas pipiliing opsiyon sa disenyo para sa Leavenworth Street. Ang disenyo na ito ay dadalhin sa isang pormal na pagdinig sa publiko sa unang bahagi ng 2021.

Kasama sa mga opsiyon ang: road diet na may malalapad na buffer at road diet na may bagong malalakarang espasyo sa naka-target na mga bloke. Nasa ibaba ang mga larawan na nagpapakita kung ano ang magiging hitsura ng koridor sa halimbawang bloke, kasana na ang posibleng mga kapalit na kaugnay ng bawat disenyo.

Para makita ang mga opsiyon sa disenyo, gamitin ang sliders para maipaghambing ang kasalukuyang disenyo at ang mga mungkahing alternatibo. Kapag nakita na ninyo ang mga alternatibo, ipagbigay-alam sa amin ang mga opsiyon na mas gusto ninyo sa seksiyon na “Opinyon” na nasa ibaba.

Ideya A: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Malalapad na Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko)

Kasama sa mungkahing ito ang pagbabawas ng lane (mula sa tatlong lane tungo sa dalawang lane) na magbibigay ng akomodasyon sa tindi ng trapiko bago pa ang COVID, at maghihikayat sa mas ligtas na bilis ng takbo ng mga sasakyan. 

Ideya A: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Malalapad na Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) 

Ideya B: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) at Karagdagang Malalakarang sa Naka-target na mga Bloke

Katulad ng nakaraang disenyo (Ideya A), kasama sa mungkahing ito ang pagbabawas ng lane (mula sa tatlong lane tungo sa dalawa). Papalitan ang gamit ng isang lane para sa pagbibiyahe at ng isang lane na paradahan upang magkaloob ng bagong malalakarang espasyo, na poprotektahan ng konkretong hadlang - na katulad ng disenyo na nasa Jones Street ngayon. Pakitandaan na isasaalang-alang ang pagkakaroon ng karagdagang malalakarang espasyo sa mga bloke na mas marami ang naglalakad, tulad ng mga bloke na nasa pagitan ng Ellis hanggang McAllister streets.

Maglalagay ng mas malaking buffer sa isang gilid ng kalye sa mga bloke na hindi papalitan ang gamit, at nang makapagbigay ng bagong malalakarang espasyo, na katulad ng nasa Ideya C (nasa ibaba). Magkakaloob ang buffer na ito ng kakayahang magpabago-bago para sa pagpaparada at pagsasakay at dagdag na espasyo sa pagtatabi ng sasakyan sakaling kailangang dumaan ng mga sasakyang pang-emergency.

Ideya B: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) at Karagdagang Malalakarang sa Naka-target na mga Bloke

Ideya C: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) na nasa kanlurang bahagi ng Kalye

Katulad ng nakaraang disenyo, kasama sa mungkahing ito ang pagbabawas ng lane (mula sa tatlong lane tungo sa dalawa). Maglalagay ng mas malaking buffer sa isang bahagi ng kalye at nang magkaroon ng kakayahang magpabago-bago para sa pagpaparada at pagsasakay at dagdag na espasyo sa pagtatabi ng sasakyan sakaling kailangang dumaan ng mga sasakyang pang-emergency.

Ideya C: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) na nasa kanlurang bahagi ng Kalye

Opinyon

Salamat po sa pagbisita sa aming open house!

Matapos mapag-aralan ang mga opsiyon para sa disenyo ng kalye sa itaas, mangyaring ipagbigay-alam sa akin kung alin ang mas gusto ninyo sa pamamagitan ng pagki-klik ng button na nasa ibaba. Puwede ninyong tingnan ang PDF na bersiyon ng mga larawan dito. 

Bagamat live (nagaganap sa oras mismo ng panonood) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at puwede rin kayong direktang makipag-usap sa Mga Pangkat para sa Proyekto (Project Teams) sa pamamagitan ng pagdalo sa mga oras ng pag-oopisina sa isa sa mga panahong nakalista sa ibaba.

May iba pa ba kayong tanong, komento, o inaalala na hindi nasagot dito?

I-email sa amin sa  TLStreets@sfmta.com  ang inyong opinyon. 

Ang mga komento at tanong na natanggap sa loob ng isang linggo ay sasagutin at ipapaskil sa webpage na ito bago sumapit ang 5pm ng susunod na Biyernes. Bumalik muli upang makita ang mga natanggap na komento at sagot sa mga tanong. 

Para manatiling naka-ugnay, bumisita sa sfmta.com/TLStreets o magpalista para sa pinakabagong impormasyon gamit ang button na nasa ibaba.  

Kasalukuyang mga kondisyon ng Leavenworth Street

Mapa ng mga Pagpapahusay sa Trapiko na Ginawa sa Tenderloin

Ideya A: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Malalapad na Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) 

Ideya B: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) at Karagdagang Malalakarang sa Naka-target na mga Bloke

Ideya C: Road Diet (pagbabawas ng lane sa daan o pagpapakitid sa daan) na may Buffers (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) na nasa kanlurang bahagi ng Kalye