Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park

Pagpapabuti ng karanasan sa parke para sa lahat ng mga gumagamit

Maligayang Pagdating

Salamat sa pagbisita sa storymap ng Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park! Ito ay isang pagkakataon para sa inyo upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa malawakang programang ito, sa kasalukuyang car-free na mga kalsada sa Golden Gate Park, at upang magbigay ng mga komento sa isang pinal na panukala. 

Hinihiling namin ang inyong input patungkol sa isang malawakang hanay ng mga panukala upang pabutihin ang kaligtasan, akses, at karanasan sa parke para sa lahat ng mga bisita ng parke. Maaari kayong pumunta agad sa Mga Panukala ng Proyekto gamit ang toolbar sa itaas, o maaari kayong magpatuloy sa pag-scroll upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa proyekto.

Ang storymap ay mangangalap ng input ng publiko mula sa ika-13 ng Setyembre hanggang sa ika-31 ng Nobyembre. Sa loob nang panahong iyon, maaaring makipag-ugnayan ang SF Municipal Transportation Agency (SFMTA) at ang SF Recreation & Park Department (RPD) nang online sa mga oras na may Pasok sa Trabaho upang kumuha ng mga komento ng publiko at sagutin ang anumang iba pang mga karagdagang tanong. 

Paano Magna-navigate

Ang web page na ito ay pinakamagandang tingnan sa isang laptop o web browser ng isang desktop, subalit maaari rin itong ma-akses sa pamamagitan ng tablet o sa mga mobile device.

May isang navigation bar sa itaas ng web page na makakatulong sa inyo na pumunta sa mga tukoy na seksyon kung saan kayo ay interesado tulad ng sa Mga Layunin ng Programa o sa Mga Panukala ng Proyekto. Kung hindi man, para sa buong konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang mag-scroll mula sa simula hanggang sa dulo. 

Para makapag-iwan ng isang tanong o komento, mangyaring bisitahin ang seksyon na “Mga Komento”, na makikita sa navigation bar sa itaas o sa ibaba ng web page na ito. Maaari rin kayong direktang makapag-akses ng aming survey para sa mga komento  dito  

Language Assistance: Contact 311 - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم

Iskedyul

Ang layunin at paggamit ng mga kalsada sa Golden Gate Park ay isang mahabang talakayan na tumagal na nang maraming dekada sa mga taga-San Francisco. Ang Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park, sa partikular, ay nagsimula sa proyektong  SFCTA Golden Gate Park Stakeholder Working Group and Action Framework , na nagresulta sa pagsasama-sama ng isang malawak na saklaw ng mga stakeholder ng parke upang: 

  • Buuin ang mga pinagbabahaginang kahalagahan para sa mga gumagamit ng parke
  • Tukuyin ang mga pangangailangan sa akses na naglabasan sa panahon ng pagsasara ng kalsada dahil sa COVID, at 
  • Magkasundo sa isang balangkas ng mga gagawin para sa mga aksyon sa hinaharap

Input ng Publiko at Timeline ng Desisyon

Ang panukalang ipapadala sa Lupon ng mga Superbisor ngayong Taglamig ay ang unang hakbang lamang upang gawing mas madaling ma-akses ang Golden Gate Park at maging kasiya-siya ito para sa lahat. May ilang pangmatagalang-panahon mga priyoridad at mga pamumuhunan na hindi maaaring isabay sa panahon ng Taglamig, at gusto naming liwanagin sa publiko ang tungkol sa kung anong input at mga komento na nais namin mula sa kanila sa panahong ito.  

Mga Desisyon para sa Taglamig 2021/22:

  1. Saradong paghahanay ng kalsada – aling mga kalsada ang kailangang isara sa mga kotse sa Golden Gate Park pagkatapos ng COVID? 
  2. Mga sumusuportang patakaran sa transportasyon at mga proyekto: padaliin ang pagpunta sa parke sa pamamagitan ng lahat ng paraan

Mga Desisyon Lampas ng Taglamig 2021/22:

  1. Mas malawakang mga pangunahing pagpapabuti: mga signal ng trapiko, mga pagpapabuti sa parke na nangangailangan ng inprastrukturang sibil 
  2. Mas malalaking mga operasyon sa Siyudad: kadalasan ng ruta ng Muni,  mga update sa garahe ng Music Concourse 

Kasaysayan at Konteksto

Ang mga kalsada ng Golden Gate Park ay palagian nang para sa mga tao

Kasaysayan

Orihinal na itinatag noong 1870, ang Golden Gate Park ay isang makasaysayang lugar para sa maraming henerasyon ng mga taga-San Francisco. Sa loob nang naturang mahabang panahon, ang mga taga-San Francisco ay ganap na sumuporta sa pagkakaroon ng mas kaunting mga kotse at binibigyan ng priyoridad ang mga tao na naglalakad at nagbibisikleta sa parke. Ang Master Plan para sa Golden Gate Park ay sumasalamin dito, nang may mga patakaran upang sikaping pigilan ang mga paggamit ng kalsada para sa mga layuning hindi pang-parke at sa pangkalahatan ay isulong ang pagkakaroon ng mas kaunting mga kalsada sa loob ng parke.

Simula pa noong 1967, itinatag na ang Parke ng mga pagsasara ng kalsada tuwing Linggo, maraming mga Sabado, at kadalasan ay kung may mga espesyal na kaganapan.

Noong 1998 bumoto ang mga taga-San Francisco para sa Prop J, na lumikha ng isang 800-espasyong garaheng paradahan sa ilalim ng lupa upang silbihan ang mga museum ng parke upang bawasan ang epekto ng sasakyan sa mga kalsada ng parke. Ang kasunod na batas na pinagtibay ng Lupon ng mga Superbisor ay nag-atas sa RPD na bigyan ng priyoridad ang mga tao na nasa mga kalsada ng parke, lalong-lalo na sa Music Concourse.

Noong 2007 sinimulan ng Siyudad ang kaganapang Healthy Saturdays, kung saan isinara ang isang bahagi ng JFK Drive sa mga sasakyan para sa mas maraming espasyo para sa mga bisikleta at naglalakad sa 6 na buwan kada taon.

Ang JFK Drive Bago ang COVID-19

ago ang pagsasara dahil sa COVID ang JFK Drive ay may dalawang lane para sa trapiko ng sasakyan, may paradahan sa magkabilang gilid ng kalsada, at may protektadong bike lane sa pagitan ng bangketa at ng lane na paradahan. Ang JFK Drive silangan ng Transverse ay mayroong 26 na ADA-accessible blue zone na paradahan. Kahit pa sa mga pagsasara tuwing Linggo, isa pang 45 ADA-accessible blue zone sa daan ang nagagamit ng mga bisita, dagdag pa ang 37 ADA-accessible blue zone sa Music Concourse Garage at sa loteng paradahan ng Kezar.

Ang JFK Drive ay ginamit bilang rutang lusutan ng mga lokal na biyahe ng kotse, na may 75% nang halos 16,000 trapiko ng kotse araw-araw sa mga araw na may trabaho na wala namang layuning pumunta sa parke. 

Sa loob nang 5 taon, nagkaroon na nang higit pa sa 100 pinsala dahil sa mga banggaan kung saan nadamay ang mga tao na naglalakad at nagbibisikleta sa Golden Gate Park: 38 mga pinsala sa kasalukuyang paghahanay sa car-free na kalsada, 26 sa mga pasukan ng mga car-free na kalsada at 42 sa iba pang mga kalsada ng parke. 

Subalit hindi lamang istatistika ang mga ito; ito ay mga buhay ng ating mga kapitbahay, mga kaibigan, at mga kapamilya. Noong Hunyo 22, 2016, namatay si Heather Miller sa JFK Drive malapit sa 30th Ave dahil sa isang tao na walang ingat sa pagmamaneho. 

Pagsasara dahil sa COVID-19

Noong Abril 2020, bilang pagtugon sa krisis na COVID, isang car-free na ruta ang itinatag ng RPD sa buong kahabaan ng Golden Gate Park upang makalikha ng ligtas na espasyong pang-libangan para sa mga residente na kailangang sumunod sa mga utos ng Shelter-in-Place.

Halos pitong milyong tao ang naglakad, umikot, nagbisikleta, at namasyal na sa buong Golden Gate Park sa JFK simula Abril 2020, isang 36% na pang-araw-araw na pagdami ng mga pagpunta sa parke kumpara sa bago nagka-COVID. 

Ang pagsasara ay nakapagpa-iksi rin ng oras ng biyahe ng 44 O’Shaughnessy na linya ng Muni nang 3 minuto sa ruta nito sa Music Concourse. Ang linya na ito ng Muni ay nagsisilbi sa mga Equity Priority Communities ng Bayview-Hunters Point at ng Excelsior.

970 na espasyong paradahan para sa pangkalahatang layunin ang inalis sa car-free na ruta –13% lamang ng magagamit na paradahan: 6,320 na paradahan para sa pangkalahatang layunin ang nagagamit pa rin sa loob ng parke at sa kapaligiran nito. Ang Music Concourse Garage ay mayroon ding 800 karagdagang espasyo ng paradahan na direkta sa ilalim ng De Young Museum at ng CA Academy of Sciences.

Ang JFK Drive, at ang iba pang mga kalsada na hindi kalaunan ay isinara para sa mga sasakyan bilang isang pagtugon sa COVID, ay mayroong 26 na ADA-accessible blue zone na espasyo ng paradahan. Mayroon pang 45 na ADA-accessible blue zone na espasyo sa mismong kalsada na ang nananatiling magagamit sa silangang bahagi ng parke pati na ang 37 na ADA-accessible blue zone na espasyo sa Music Concourse Garage at loteng paradahan ng Kezar.

Ang mga institusyon sa parke tulad ng Conservatory of Flowers at De Young Museum ay mayroong mga tukoy na pangangailangan para sa delivery at akses sa kanilang mga pang-araw-araw na operasyon, na kung minsan ay maa-akses lamang mula sa mga kalsada na sa kasalukuyan ay sarado pa para sa mga sasakyan.


Pantay na Akses

Ang Golden Gate Park ay para sa lahat ng mga taga-San Francisco. Maaaring maraming hamon sa pagpunta sa parke para sa mga residenteng nasa Equity Priority Communities sa silangan at timog silangang bahagi ng siyudad. Anumang desisyon kaugnay ng car-free na ruta sa Golden Gate Park ay kailangang bigyang priyoridad ang mga komunidad na ito. 

Mga Koneksyon ng Transit papunta sa GGP

Ang pinakamaginhawang paraan para makapunta ang mga taga-San Francisco sa Golden Gate Park ay sa pamamagitan ng transit: sa pinakabaong update sa serbisyo ng transit ng Muni nitong Agosto, mayroon na ngayong 8 linya ng transit na nakakarating sa Golden Gate Park na hindi kailangan ng paglipat (tinatawag ding isang “single-seat ride”). Sa mga pagbabagong ito sa serbisyo, ang karamihan ng mga residente ng San Francisco ay maglalakad lamang nang 15 minuto para sa isang single-seat ride papunta sa Golden Gate Park.

Partikular ang 29 Sunset, 33 Ashbury, 43 Masonic, at 44 O’Shaughnessy – ang apat na linyang ito ay nagsisilbi sa Equity Priority Communities ng Mission, Bayview-Hunters Point, Outer Mission, at Excelsior sa silangan at timog silangan ng siyudad.

Map credit: Mack Allen, SFMTA muni bus operator.

Sino ang nagmamaneho sa JFK bago ang COVID?

Upang lalo pang maunawaan kung sino ang nagmamaneho papunta sa, at sa, JFK Drive, ang SFMTA at RPD ay nagsagawa ng isang pag-aaral ng mga lokasyon ng mga tahanan ng mga nagmamaneho na gumagamit ng JFK Drive bago ang mga pagsasara dahil sa COVID.

Napag-alaman na higit sa kalahati ng mga nagmamaneho na gumagamit ng JFK Drive ay nakatira sa mga distrito ng Richmond, Inner Sunset, at Outer Sunset. Ang bilang ng mga nagmamaneho na nanggagaling mula sa silangan at timog silangan ng siyudad bago ang COVID ay maituturing na mababa. 

Paanong nagbago ang mga pagbisita sa Golden Gate Park sa panahon ng Pandemya?

Dahil sa mga pagbabago sa daan at sa aksesibilidad para sasakyan sa Golden Gate Park sa panahon ng COVID, nais maunawaan ng SFMTA at RPD kung ang mga pagbabago bang ito ang naging dahilan upang ang mga residente mula sa Equity Priority Communities sa silangan at timog silangan ng siyudad ay bumisita sa parke nang mas madalang. Kung titingnan ang bahagi ng mga pagpunta sa parke ng Supervisorial District, sa parehong mga pagsasara bago ang COVID at sa panahon ng COVID, napag-alaman ng SFMTA at RPD na ang bahagi ng mga pagbisita sa parke ay nagbago nang napakaliit lamang sa panahon ng COVID. Mayroong kaunting nadagdag sabahagi ng mga pagpunta sa parke mula sa mga karatig na kapitbahayan, subalit walang makabuluhang pagbaba sa bilang ng mga pagbisita mula sa Equity Priority Communities sa silangan at timog silangan ng siyudad.

Ipinakikita dito ang mga porsiyento ng mga bisita ng Golden Gate Park kada distrito – Bago ang Covid sa kaliwa, Pagkatapos ng Covid sa kanan.

Mga Pagpapabuti sa Akses

Ang RPD at SFMTA ay nagtatrabaho simula pa noong itatag ang car-free na ruta noong Abril 2020 upang matugunan ang mga nalalamang isyu na may kaugnayan sa akses at upang pabutihin ang aksesibilidad ng parke para sa lahat ng mga bisita. Kabilang nito ang:

Bagong ADA blue-zone na paradahan

5 bagong ADA blue-zone na paradahan sa mismong kalsada ang itinalaga sa MLK Jr Drive at Nancy Pelosi Drive noong tagsibol 2021.

Mga Bagong Zone na Sakayan

Ang mga bagong zone na sakayan para sa pagsasakay at pagbababa sa Music Concourse ang itinatag noong 2020.

Paradahang Nancy Pelosi para sa ADA 

Ang Nancy Pelosi Drive ay muling binuksan hanggang JFK Drive, na nagbibigay ng akses sa Tennis Center at sa tatlong bagong ADA blue zone na espasyo ng paradahan sa mismong kalsada.

Muling Pagbubukas ng Conservatory Drive West

Ang Conservatory Drive West ay muling bubuksan sa pagtatapos ng Setyembre 2021 upang makapagbigay ng direktang akses papunta sa Conservatory at sa Dahlia Dell at sa pagitan ng 18-20 mga espasyong paradahan sa mismong kalsada.

Pagbabago sa Paradahan ng Tour Bus 

Ang lote na paradahan ng tour bus sa likod ng bandshell sa Music Concourse ay gagawing 14 na bagong ADA blue-zone na espasyong paradahan. Inaasahang magsisimula ang konstruksyon sa Oktubre 2021.

Akses sa Polo Field 

Ang Metson Drive at Middle Drive West ay aayusin muli upang magkaroon ng akses sa Polo Fields nang hindi naaabala ang car-free na ruta. Inaasahang magsisimula ang konstruksyon sa Nobyembre 2021.

Halaga ng pagparada sa garahe

Ang lehislasyon na pupunta sa Lupon ng mga Superbisor ay lilikha ng isang dinamikong mga halaga ng pagparada para sa garahe ng Music Concourse, kung saan magiging mas mababa ang mga pang-kada oras na halaga sa mga panahong kaunti lamang ang pangangailangan sa paradahan.


Mga Layunin ng Programa

Anumang pang-matagalang panahong solusyon para sa car-free na ruta sa Golden Gate Park ay kailangang makatugon sa isang set ng mga layunin na itinatag ng SFCTA Golden Gate Park Working Group – sumasalamin sa mga patakarang pinagtibay ng Siyudad at mga inisyatibong iniutos ng botante sa loob nang nakaraang 30 taon.

Layunin 1: Pagandahin ang karanasan sa parke: Ang mga kalsada ng parke ay kailangang gamitin para sa mga layuning pang-parke; ang mga biyahe ng sasakyan sa loob ng parke na wala namang layuning pang-parke (kagaya ng lulusot lamang) ay nagpapasama sa karanasan sa parke para sa lahat ng mga bisita at nag-aamba ng panganib sa kaligtasan. Anumang desisyon para sa kasalukuyang car-free na ruta ay kailangang humadlang sa muling pagsisimula ng lulusot lamang na trapiko at pabababain ang mga negatibong epekto sa mga bisita ng parke. 

Layunin 2: Paigtingin ang kaligtasan sa trapiko: Ang JFK Drive ay nasa High Injury Network ng siyudad bago ang pagsasara dahil sa COVID dahil sa mataas na bilang ng mga nabangga ng nagmamaneho na mga naglalakad o nagbibisikleta. Anumang desisyon para sa kasalukuyang car-free na ruta ay kailangang magpaigting sa kaligtasan sa trapiko nang higit pa sa mga kondisyon bago nagkaroon ng COVID.

Layunin 3: Tiyakin ang akses para sa lahat ng mga gumagamit ng parke: Ang mga nakatatanda, ang komunidad ng mga may kapansanan, at ang mga residente ng Equity Priority Communities ay may mga tukoy na pangangailangan sa akses at kinakaharap na mga hamon sa Golden Gate Park. Isang malawak na saklaw ng mga patakaran, pagpoprograma, at mga solusyong pisikal ang kailangang ipatupad upang mapabuti ng akses sa parke para sa mga naturang grupo nang higit pa sa mga kondisyon bago ang mga pagsasara dahil sa COVID.

Layunin 4: Suportahan ang mga institusyon sa parke: Ang parke ay tahanan ng maraming minamahal nating mga institusyon na may mga napakaraming pangangailangan sa lohistikal, pangkawani, at akses. Anumang desisyon para sa kasalukuyang car-free na ruta ay kailangang suriin upang malaman ang mga epekto nito sa mga kritikal na gawain ng mga institusyon ng parke, kabilang na ang pagsasakay at mga delivery.

Layunin 5: Tiyakin ang gumagana at malinaw na paggamit ng mga kalsada ng parke: Lahat ng mga kalsada ng parke ay kailangang malinaw sa lahat ng mga bisita at madaling maituro ang mga tao sa mga ninanais na destinasyon. Anumang desisyon sa car-free na ruta ay kailangang umiwas sa pagkakaroon ng masasalimuot o nakakalitong mga ruta.


Mga Panukala ng Proyekto

Ang mga panukala ng proyekto na ipinakita sa interactive na mapa na ito ay hindi mga nagsasalungatang alternatibo, kung hindi ay sinadya na magkakasamang paganahin upang sama-samang lutasin ang mga hamong may kaugnayan sa kadaliang gumalaw at sa mga pangangailangan sa akses sa Golden Gate Park. Gusto naming makuha ang inyong input sa bawat panukala ng proyekto at kung anong kombinasyon ang sa palagay ninyo ay pinaka-makakatugon sa mga pangangailangan ng maraming tao na bumibista sa Golden Gate Park.

Ituloy ang pag-scroll para sa isang paggalugad sa aming mga panukalang pagpapabuti!

Umiiral na car-free na ruta

Ang opsyon na ito ay magpapanatili ng umiiral na car-free na ruta sa Golden Gate Park, kasama ng iba pang mga panukala ng proyekto na magpapabuti sa akses sa at kadaliang gumalaw ng mga bisita ng parke.

Ang panukalang ito ng proyekto ay magpapanatili ng lahat ng mga benepisyo ng kasalukuyang car-free na ruta, kabilang ang mas mabilis na serbisyo sa 44 O’Shaughnessy; babawasan ang mga lulusot sa trapiko sa mga pinaka-popular na bahagi ng parke; paiigtingin ang kaligtasan sa parke at pagagandahin ang karanasan sa parke ng lahat ng mga bisita ng parke.

Ang paghahamay na ito ay magpapanatili pa rin ng mga hamon sa akses para sa mga miyembro ng komunidad ng may kapansanan at para sa mga institusyon ng parke. Kakailanganin ang iba pang mga panukala na isasama sa opsyon na ito upang maharap ang mga naturang epekto. 

Panukala ng Proyekto – Pagbabagong-tatag ng Park Shuttle

Ang kasalukuyang park shuttle ay tumatakbo nang hindi madalas, may malabong karatula, at hindi mahusay na nakakapagsilbi sa mga bisita ng parke. 

Ang panukalang ito ng proyekto ay magpapatakbo ng mga shuttle nang mas madalas, nang mas maaasahan, at magsisilbi sa mga pangunahing destinasyon sa parke. Ang pagpapabuti ng karatula ay gagawin na mas nakikita ang opsyon ang shuttle para sa mga bisita ng parke kasama ng mga pamumuhunan sa mga hintuan ng shuttle tulad ng mga bangko, mga masisilungan, at pailaw. 

Panukala ng Proyekto - Fulton Street Loading Zone 

Sa ilalim ng kasalukuyang car-free na ruta, ang Fulton Street ay may paradahang pinakamalapit sa DeYoung Museum.

Ang proyektong ito ay lilikha ng mga lugar na sakayan at 14-16 na bagong ADA blue zone na espasyo sa Fulton Street upang mapabilis ang akses sa parke at ang mga pagbababa para sa mga biyaheng nanggagaling sa hilaga. Magkakaroon din ito ng mga pagpapalawak ng bangketa sa Fulton Street at pagpapaganda ng mga daanan ng tao sa pagitan ng Fulton Street at ng Music Concourse upang matugunan ang mga panuntunan para sa may kapansanan.

Panukala ng Proyekto – Hintayan ng Taxi

Maibababa ngayon ng mga taxi ang mga pasahero sa Golden Gate Park pero hindi pinapayagang kumuha ng mga pasahero na tumatawag sa kanila sa mga kalsada na nasa loob ng parke.

Ang panukalang ito ay magtatatag ng dalawang hintayan ng taxi sa Music Concourse: isang katabi ng DeYoung Museum at isang katabi ng CA Academy of Sciences. Lilikha ito ng isang espasyo para sa pagpila ng mga operator ng taxi sa Music Concourse, na magiging isang maginhawa at napakadaling makitang alternatibo para makabiyahe sa pamamagitan ng pribadong sasakyan.

Panukala ng Proyekto – Karatula sa Garaheng Paradahan at mga Upgrade

Sa kasalukuyan, hindi malinaw ang pagkakalagay ng mga karatula sa garaheng paradahan ng Music Concourse para madaling makita ng bisita ng parke, lalung-lalo na para sa mga nagmamaneho na nanggagaling sa hilaga. Kung ang car-free na ruta sa Golden Gate Park ay pananatilihin, ang mas maraming epektibong paggamit ng garaheng paradahan ay isang kritikal na bahagi. 

Isasama sa panukalang ito ang mga update sa karatula para sa paghahanap ng daan sa parehong loob ng parke at sa mga nakapaligid na kalsada ng siyudad upang mas lalo pang maipaalam sa mga bisita ang permanenteng paghahanay ng car-free na ruta pati na ang kung paanong madaling maa-akses ang garaheng paradahan. 

Isasama rin sa panukala ang pagsisimula ng libreng 15-minuto na akses para sa pagsasakay at pagbababa. Ang serbisyong ito ay ipinagkakaloob na sa ngayon, subalit kaunti lamang na mga bisita ng parke ang nakakaalam o gumagamit nito. 

Panukala ng Proyekto – Ipakilala ang mga Dockless Bikeshare at Scootershare 

Sa ngayon, ang dockless bikeshare at scooter share ay hindi pinapayagang tumakbo sa loob ng Golden Gate Park. Ang paglalagay ng mga serbisyong ito sa parke ay makakatulong sa pagsasara ng ilan sa first-mile at last-mile na mga agwat na pumipigil sa mga bisita na bumiyahe nang walang sasakyan.

Ang panukalang ito ay maglalagay nang hindi na bababa sa 132 na bagong mga bike rack sa buong parke, na lilikha ng kapasidad para sa 264 na bagong espasyong paradahan para sa mga pribadong pag-aaring bisikleta, dockless bikeshare, at mga scooter.

Panukala ng Proyekto – Naka-dock na Bikeshare

Bagaman mayroong 9 na istasyon ng bikeshare na di lalampas sa isang bloke ang layo sa Golden Gate Park, walang istasyon ng naka-dock na bikeshare sa loob mismo ng parke. Ang hindi pagkakaroon ng mga istasyon na malapit sa mga destinasyon sa loob ng parke ay isang malaking hadlang sa mga bisita na gumamit ng bikeshare.

Ang panukalang ito ay maglalagay ng 5 bagong istasyon ng bikeshare sa loob ng Golden Gate Park, nang may pagtutuon sa mga pangunahing destinasyon at mga lugar ng parke na may ilan lamang na malapit na mga istasyon ng bikeshare sa nakapaligid na mga kalsada ng siyudad.

Panukala ng Proyekto – Serbisyong Pedicab 

May mga pedicab na sa kasalukuyan ay bumabagtas lamang sa kahabaan ng Embarcadero.

Ang panukalang ito ay magpapahintulot sa mga pedicab na magkaroon ng mga operasyon sa loob ng Golden Gate Park at magtatatag ng isang itinalagang ruta para sa mga operator ng pedicab na bumiyahe sa pagitan ng Embarcadero at Golden Gate Park.

8th Ave papuntang Transverse Drive

Pagkatapos na pag-aralang muli ang maraming posibleng mga pagbabago sa kasalukuyang car-free na ruta, ang SFMTA at RPD ay nakalikha na ng isang opsyon na direktang tutugon sa ilang mga pangunahing hamon. Ang opsyon na ito, na nagtatatag ng isang one-way na lane ng sasakyang papuntang kanluran sa hilagang bahagi ng JFK sa pagitan ng 8th Avenue at Transverse Drive, ay nagsasangkot ng mahalagang pagpapalitan.

Ang paghahanay na ito ay muling magpapakilala ng 12-15 ADA blue zone espasyong paradahan sa JFK sa hilaga ng De Young Museum. Lilikha rin ito ng isang pormal na punto ng akses para mga pundohang sakayan sa DeYoung Museum, na magpapababa sa mga salungatan ng mga bisita na gumagamit ng car-free na ruta, na magpapahintulot sa ganap na paghihiwalay ng nagmamaneho at mga tao na naglalakad at nagbibisikleta. 

Subalit ang paghahanay na ito ay mangangahulugan din ng isang hating kalsada para sa kalahati ng distansiya ng car-free na ruta sa JFK Drive, na makabuluhang makakaapekto sa karanasan sa parke ng mga bisita na nasa car-free na ruta. Ang karagdagang pangangailangang trapiko para sa ruta na ito ay lilikha rin ng mga makabuluhang pagka-antala para sa mga linya ng 5/5R Fulton at ng 44 O’Shaughnessy Muni.

Walang Proyekto

Isa pang opsyon para sa car-free na ruta ay ang bumalik sa mga kondisyon bago ang COVID, kung saan ang lahat ng mga daanan sa kalsada ay bukas sa trapiko ng sasakyan at may mga pagsasara ng kalsada kapag Sabado at Linggo.

Bagaman ang paghahanay na ito ay magbabalik ng mga pangkalahatang espasyong paradahan at paradahan para sa ADA sa car-free na ruta, magkakaroon ito ng maraming negatibong epekto. Kabilang dito ang muling pagpapakilala ng 12,000 pang-araw-araw na paglusot ng mga bumibiyaheng sasakyan sa JFK Drive, na magdadagdag sa kasikipan sa loob ng parke, at pabababain ang likas na karanasan sa parke. Ang 44 O’Shaughnessy, na nagsisilbi sa mga kapitbahayan ng Bayview-Hunters Point at Excelsior, ay makakaranas ng mga makabuluhang pagka-antala.

Mga Pagsasaalang-alang Kaugnay ng Akses

Naninindigan ang SFMTA at RPD sa paghahanap ng mga alternatibo para sa car-free na ruta na maaaring makatugon sa mga nalalaman na hamon habang pinananatili ang mga benepisyo na ikinasiya na ng mga bisita ng parke simula noong nagkaroon ng pagsasara dahil sa COVID. Isinaalang-alang ng SFMTA at RPD ang maraming iba’t ibang mungkahi kaugnay ng paghahanay na inihain ng mga miyembro ng publiko – para sa bawat isa mga mga naturang mungkahi, sinukat namin ang mga iyon laban sa mga pangunahing pagsasaalang-alang kaugnay ng kaligtasan at karanasan sa parke.

Mga Pagsasaalang-alang Kaugnay ng Inhinyeriya: 

  • Pagiging posible ng kalinawan, kaligtasan, at inhinyeriya 
  • Pagdadagdag ng mga paradahan para sa ADA – mga blue zone
  • Pagpapanatili ng akses ng delivery papunta sa mga institusyon ng parke 
  • Pagpapabuti ng mga pagsasakay/pagbababa sa mga institusyon ng parke

Mga Pagsasaalang-alang Kaugnay ng Karanasan sa Parke:

  • Pagpapababa ng paggambala sa mga kasalukuyang espasyo na car-free 
  • Pagpigil sa paglikha ng mga bagong pagkakataong paglusot ng trapiko

Mga Komento

Salamat

Magbigay ng komento at makipag-ugnayan sa amin sa:   GGPAccess@sfmta.com  |  rpdinfo@sfgov.org 

Dagdagan ang kaalaman at magsign-up para sa mga pinakahuling balita sa: sfmta.com/accessggp | sfrecpark.org/accessggp