Golden Gate Avenue

Mga Proyektong Quick-Build (Mabilisang Konstruksiyon) sa Tenderloin Virtual Open House Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagaw

Pinakabagong impormasyon tungkol sa Pasasara ng StoryMap: Salamat po sa inyong pagbisita sa Golden Gate Quick-Build Project Virtual Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Golden Gate)! Sarado na ngayon ang pagkokomento ng publiko sa Open House. Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang mga natanggap na opinyon at naghahanda para sa Pampublikong Pagdinig (Public Hearing). Mananatiling buhay ang site na ito upang masiyasat pa rin ng publiko ang proyekto at makakuha sila ng iba pang impormasyon.  

Maligayang pagdating!

(pakipili ang iyong mas gustong wika sa ibaba)

Salamat po sa inyong pagsali sa Golden Gate Quick-Build Project Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Golden Gate)! Isa po itong pagkakataon para mas malaman pa ninyo ang tungkol sa aming mga mungkahing pagpapahusay para sa kaligtasan ng trapiko sa Golden Gate Avenue sa pagitan ng Market at Polk Streets, at pagkakataon na rin para magbigay ng opinyon.

Gusto namin kayong mapakinggan!

Puwedeng mapuntahan ang website ng Open House (na kilala rin bilang storymap) para sa pagbibigay ng opinyon mula Disyembre 15, 2020 hanggang Enero 15, 2021. Bagamat live (napapanood mismong sa oras na nagaganap) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at malugod din namin namin kayong tatanggapin sa aming mga oras ng pag-oopisina para sa mga karagdagang tanong. 

Kung Paano Magagamit ang Website

Pinakamainam na natitingnan ang Open House storymap website sa pamamagitan ng web browser sa laptop o browser, pero mapupuntahan din ito gamit ang tablet o iba pang mobile na kagamitan.

May navigation bar sa itaas ng web page na matutulungan kayong pumunta sa mga espesipikong seksiyon na interesado kayo, tulad ng impormasyon tungkol sa kaligtasan, mungkahing disenyo, at iskedyul ng proyekto. Kung hindi naman, para sa kabuuang konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang pag-iiscroll mula sa simula hanggang sa dulo. 

Para mag-iwan ng tanong o komento, pakibisita ang seksiyon ukol sa “Opinyon", na matatagpuan sa navigation bar na nasa itaas o nasa pinaka-ibaba ng web page na ito. Puwede rin ninyong direktang mapuntahan ang sarbey ukol sa mga opinyon (feedback survey sa Ingles)  dito 

Kapag nagkaroon kayo ng problema sa web page na ito, mangyaring magpadala ng email sa  TLStreets@sfmta.com .

Tulong sa wika: 

Naisalin na namin ang Open House storymap sa anim na pinakakaraniwang wika sa Tenderloin! Para mapuntahan ang Open House sa Arabic, Tsino, Filipino, Ruso, Espanyol at/o Vietnamese, mangyaring mag-scroll pabalik sa itaas at i-klik ang salitang “Maligayang pagdating (Welcome)” sa katumbas na wika.

Contact 311 - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم


Pangkalahatang Impormasyon

May pangako ang SFMTA na kompletuhin ang dalawang proyektong quick-build o mabilisang konstruksiyon sa Tenderloin at nang mapaghusay ang mga kondisyon ng trapiko para sa lahat ng gumagamit ng daan sa mga koridor na ito. Nagmumula ang pagsusumikap na ito sa mahigpit na paghiling ng komunidad ng Tenderloin para sa mas malalaking pamumuhunan sa mga solusyon para sa kaligtasan sa trapiko. Ipatutupad ang quick-builds sa Golden Gate Avenue (mula Market hanggang Polk streets) at sa Leavenworth Street (mula McAllister hanggang Post streets).

Dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa, magsasagawa ang mga Mga Proyektong Quick-Build ng Leavenworth at Golden Gate ng magkasamang kampanya para sa pag-abot sa nakararami, kasama na ang open house na ito. Pahihintulutan nito ang may koordinasyong mga diskusyon tungkol sa mga usapin sa kaligtasan sa trapiko at pangangailangan sa pagsasakay. 

Magsasagawa ang proyektong ito ng mabibilis at nababago-bago na pagpapahusay para sa kaligtasan ng trapiko, kung saan bibigyan ng prayoridad ang pinakabulnerableng mga gumagamit ng daan sa pamamagitan ng pagbabawas ng lane, pasilidad para sa ligtas na paglalakad at pagbibisikleta, at pamamahala sa curb o gilid ng mga bangketa.

Sa dulo ng pahinang ito, iimbitahin kayong magbigay ng opinyon sa isa man o sa dalawang quick-build na proyekto ng Tenderloin sa pamamagitan ng aming online na sarbey. Puwede rin ninyong i-klik ang “Opinyon” sa toolbar na nasa itaas para direktang pumunta sa seksiyon na iyon.


Layunin ng Proyekto

Lumikha ng ligtas at nakapanghihikayat na pampublikong espasyo para sa lahat ng tao na nagdaraan sa Golden Gate Avenue sa kanilang pagbibiyahe. 


Ang Tenderloin ay komunidad kung saan napakaraming tao kung ihahambing sa laki ng lugar at may diversity o pagkakaiba-iba ang mga nakatira, at matatagpuan ito sa pinakasentro ng San Francisco. Tahanan ito ng ilang komunidad, at marami sa kanila ang nagbibiyahe sa kabuuan ng Lungsod nang hindi gumagamit ng kotse. Gayon pa man, hindi napadadaloy nang mahusay ng kasalukuyang disenyo ng kalye ang pagbibiyahe nang hindi gumagamit ng kotse o sasakyang de-motor. Kinakaharap ng mga naglalakad at nagbibisikleta ang masikip na trapiko at agresibong asal sa pagmamaneho habang dumaraan sa mga kalye. 

Karamihan sa mga tao na pinakabulnerable sa mga pagkakabundol ng sasakyan ay nakatira sa Tenderloin. 

Ang Tenderloin ang tahanan ng marami sa pinakabulnerableng populasyon ng San Francisco -- mga taong may kulay, matatanda, bata, indibidwal na napakabababa ng kita, imigrante, indibidwal na nahihirapan dahil sa sakit sa isip at/o adiksiyon, at mga indibidwal na nakararanas ng kawalan ng tahanan. Wala sa proporsiyong naaapektuhan ang mga grupong ito ng malalalang pinsala at pagkasawi nang dahil sa trapiko.    

Nitong nakaraang limang taon, nagkaroon na ng ilang pagsusumikap upang mapaghusay pa ang kaligtasan sa trapiko sa komunidad, kasama na ang  proyektong Safer Taylor  at ang pagsusumikap para sa pag-iilaw sa araw (daylighting) at pagpapalit ng dalas ng pagpapalit ng ilaw (signal retiming) sa kabuuan ng komunidad. Gayon pa man, patuloy ang pagkakaroon ng Tenderloin ng pinakamataas na porsiyento ng malalala at nakamamatay na pagkakapinsala sa mga naglalakad sa Lungsod. Ito ang dahilan kung bakit may pangako ang SFMTA na magkaroon ng mas ligtas na mga kalye sa Tenderloin gamit ang aming Quick-Build toolkit (mga kagamitan para sa mabilisang konstruksiyon).

Quick-Build Toolkit (Mga Kagamitan para sa Mabilisang Konstruksiyon)

Ang mga  proyektong quick-build  ay mga pagpapahusay para sa kaligtasan sa trapiko na nababago-bago at naiaayon, at puwedeng mas mabilis na maisagawa ito ng mga kawani ng lungsod gamit ang pintura sa kalye, street bollards (mabababang pangharang na poste) at pantrapikong karatula. Kaiba sa malakihang capital projects (pagpapahusay sa mga istruktura) na posibleng abutin ng taon-taon sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagbi-bidding at konstruksiyon, naisagagawa ang mga proyektong quick-build sa loob ng ilang buwan at napag-aaralan, nagagawan ng ebalwasyon, at naiaayon sa loob ng takdang panahon na 24 buwan matapos ang pagsisimula ng konstruksiyon. 

Puwedeng matugunan ang karamihan sa mga problema sa kaligtasan sa trapiko na nakikita natin sa Tenderloin sa pamamagitan ng mga pagpapahusay na quick-build. Bagamat karaniwan nang maliit ang gastos sa quick-builds at gumagamit ang mga ito ng materyales na low-impact (hindi nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran ang paggamit), nakalilikha ito ng napaka-epektibong mga resulta. Gumaganap ng mahalagang papel ang pag-abot sa nakararami sa komunidad at ang paglahok ng mga tao sa komunidad sa pagtitiyak na naaangkop na nakatutugon ang mga proyektong quick-build sa mga pangangailangan ng magkakakalapit-bahay. 

Kasalukuyang mga Kondisyon  

Pagbaling sa COVID-19

Noong Marso 2020, pansamantalang inihinto ang Golden Gate and Leavenworth Quick-Build Projects upang masuportahan ang mga pangangailangan sa trapiko sa Tenderloin kaugnay ng COVID-19. Ibinaling ng mga pangkat para sa quick-build ang kanilang mga pagsusumikap sa mga layunin na mapaghusay pa ang pagkakaroon ng kailangang-kailangang mga serbisyo at higit na magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya. 

Mapa ng mga Pagpapahusay sa Trapiko na Ginawa sa Tenderloin

Nagsagawa ang SFMTA ng mga pagpapahusay sa Golden Gate, Ellis, Jones, at Turk streets upang higit na makapagkaloob ng napakahahalagang serbisyo at magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya. Dahil sa pangangailangan sa mga kawani para masuportahan ang mga pagsusumikap na may kaugnayan sa COVID-19 at nang higit na makakuha ang mga tao ng kailangang-kailangang mga serbisyo at lalo pang magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya, ibinaling ng mga pangkat para sa quick-build ng SFMTA ang kanilang atensiyon sa pagsuporta sa trabahong ito nitong nakaraang tag-araw at taglagas ng 2020. 

Pagsisimulan at paghuhusayin pa ng Tenderloin Quick-Builds ang gawaing ito at maghahatid ito ng karagdagang mga pagpapahusay sa kaligtasan sa trapiko sa komunidad sa mga darating na buwan.  

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagsusumikap sa panahon ng COVID-19 na nagaganap sa Tenderloin, mangyaring bumisita sa  SFMTA.com/TLStreets .


Mungkahing Disenyo

Golden Gate Avenue

400 Block (Polk hanggang Larkin)

300 Block (Larkin hanggang Hyde)

Mahahalagang bahagi ng proyekto 

Batay sa gabay ng hatid ng mga problema sa kaligtasan sa trapiko sa Golden Gate Avenue at sa mga kasalukuyang kondisyon, iminumungkahi ng pangkat para sa proyekto na i-upgrade o pagandahin pa ang naririyan nang lane para sa mga bisikleta at magkaloob ng aktibong nababago-bago o flex na espasyo sa piling mga kalye, na puwedeng magamit sa pagnenegosyo, serbisyo sa komunidad, paglilibang, o para sa pisikal na pagdidistansiya. 

  • Mga protektadong lane o daanan para sa mga bisikleta: Dahil sa mga limitasyon ng espasyong may tatlong dimensiyon na batay sa lapad ng kalye, mga linyang OCS, at taas ng mga nakapalibot na gusali, iminumungkahi ng proyekto ang pag-a-uprade mula sa kasalukuyang imprastruktura para sa pagkakalma sa trapiko, at nang may makasama pang mas maraming nakapinta na sonang pangkaligtasan at magkaroon ng protektadong lane para sa mga bisikleta. 
  • Mga sona para sa pagsasakay ng mga pasahero: Nakikipagtrabaho na kami sa iba pang ka-partner sa Lungsod upang mabigyan ng prayoridad ang paggamit sa mga gilid ng bangketa ng pinakabulnerable sa mga banggaan at pagkakabundol nang dahil sa trapiko: kabataan, matatanda, at may kapansanan. Dahil dito, pananatilihin ng disenyo ng proyekto ang lahat ng sona na para sa pagsasakay ng mga pasahero. Iminumungkahi rin namin ang pagpapatupad ng natatanggal-tanggal na bollards sa harap ng DeMarillac at St. Boniface Church, at nang magaratiyahan ang paggamit ng pang-emergency na sasakyan sa labas ng mga gawain ng simbahan at sa oras ng klase sa paaralan. 
  • Aktibong nababago-bago o flex na espasyo: Hindi sapat ang lapad ng natitirang espasyo sa labas ng protektadong lane para sa mga bisikleta upang magkasya ang lane para sa pagbibiyahe o pagpaparada. Batay sa inspirasyong mula sa Shared Spaces na nasa 200 bloke ng Golden Gate Avenue at ng Espasyo para sa Pisikal na Pagdidistansiya sa Jones Street, iminumungkahi ng proyekto ang pagdaragdag ng buffer na magpapahintulot sa kainan sa labas ng cafe, pisikal na pagdidistansiya, paglalagay ng mesa para sa mga pagtitipon ng komunidad at marami pang iba. 
  • Pangkalahatang de-metro na paradahan: Upang mabigyan ng espasyo ang protektadong lane ng bisikleta at aktibong flex na espasyo, tatanggalin ang lahat ng de-metrong espasyo sa pagparada na nasa timog na bahagi ng lugar ng proyekto. 
  • Mga pulang sona: Naiitindihan ng pangkat para sa proyekto na maraming miyembro ng komunidad ng Tenderloin ang kailangan ng sasakyan para makakuha ng kailangang-kailangan na mga serbisyo. Dahil dito, iminumungkahi rin namin ang pagdaragdag ng pangkalahatang naka-metrong espasyo kung saan may higit na mahahabang pulang sona na nasa palibot ng lugar ng proyekto (kung baga, Hyde, Jones, hilagang bahagi ng 200 Golden Gate), habang nag-iiwan ng sapat na espasyo para makita ang mga naglalakad sa mga interseksiyon. 

Kapag nakita na ninyo ang mga alternatibo, ipagbigay-alam sa amin ang mga opsiyon na mas gusto ninyo sa seksiyon na “Mga Opinyon (Feedback)” na nasa ibaba.


Iskedyul ng Proyekto


Opinyon  

Salamat po sa pagbisita sa aming open house!

Matapos mapag-aralan ang mga opsiyon para sa disenyo ng kalye sa itaas, mangyaring ipagbigay-alam sa akin kung alin ang mas gusto ninyo sa pamamagitan ng pagki-klik ng button na nasa ibaba. Puwede ninyong tingnan ang PDF na bersiyon ng mga larawan  dito 

Bumalik muli upang makita ang mga natanggap na komento at sagot sa mga tanong. 

Bagamat live (nagaganap sa oras mismo ng panonood) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at puwede rin kayong direktang makipag-usap sa Mga Pangkat para sa Proyekto (Project Teams) sa pamamagitan ng pagdalo sa mga oras ng pag-oopisina sa isa sa mga panahong nakalista sa ibaba. 

Disyembre 17, 2:00PM-4:00PM

Disyembre 18, 8:00AM-10:00AM

Disyembre 19, 11:00AM- 1:00PM

Disyembre 22, 2:00PM -4:00PM

Disyembre 30, Tanghali hanggang 2:00PM

Enero 5, 5:00PM- 7:00PM

Enero 7, 11:00AM- 1:00AM

May iba pa ba kayong tanong, komento, o inaalala na hindi nasagot dito?

I-email sa amin sa  TLStreets@sfmta.com  ang inyong opinyon. 

Para manatiling naka-ugnay, bumisita sa  SFMTA.com/TLStreets  o magpalista para sa pinakabagong impormasyon gamit ang button na nasa ibaba.  

Mapa ng mga Pagpapahusay sa Trapiko na Ginawa sa Tenderloin

400 Block (Polk hanggang Larkin)

300 Block (Larkin hanggang Hyde)