Golden Gate Avenue
Mga Proyektong Quick-Build (Mabilisang Konstruksiyon) sa Tenderloin Virtual Open House Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagaw
Mga Proyektong Quick-Build (Mabilisang Konstruksiyon) sa Tenderloin Virtual Open House Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagaw
Pinakabagong impormasyon tungkol sa Pasasara ng StoryMap: Salamat po sa inyong pagbisita sa Golden Gate Quick-Build Project Virtual Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Golden Gate)! Sarado na ngayon ang pagkokomento ng publiko sa Open House. Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang mga natanggap na opinyon at naghahanda para sa Pampublikong Pagdinig (Public Hearing). Mananatiling buhay ang site na ito upang masiyasat pa rin ng publiko ang proyekto at makakuha sila ng iba pang impormasyon.
(pakipili ang iyong mas gustong wika sa ibaba)
Welcome! | 歡迎! | ¡Bienvenido! | Chào mừng! | أهلا بك! | Добро пожаловать! | Mabuhay!
Salamat po sa inyong pagsali sa Golden Gate Quick-Build Project Open House (Pagbibigay-Impormasyon na Bukas sa Lahat at Isasagawa sa Pamamagitan ng Internet na ukol sa Mabilisang Proyekto sa Golden Gate)! Isa po itong pagkakataon para mas malaman pa ninyo ang tungkol sa aming mga mungkahing pagpapahusay para sa kaligtasan ng trapiko sa Golden Gate Avenue sa pagitan ng Market at Polk Streets, at pagkakataon na rin para magbigay ng opinyon.
Gusto namin kayong mapakinggan!
Puwedeng mapuntahan ang website ng Open House (na kilala rin bilang storymap) para sa pagbibigay ng opinyon mula Disyembre 15, 2020 hanggang Enero 15, 2021. Bagamat live (napapanood mismong sa oras na nagaganap) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at malugod din namin namin kayong tatanggapin sa aming mga oras ng pag-oopisina para sa mga karagdagang tanong.
Pinakamainam na natitingnan ang Open House storymap website sa pamamagitan ng web browser sa laptop o browser, pero mapupuntahan din ito gamit ang tablet o iba pang mobile na kagamitan.
May navigation bar sa itaas ng web page na matutulungan kayong pumunta sa mga espesipikong seksiyon na interesado kayo, tulad ng impormasyon tungkol sa kaligtasan, mungkahing disenyo, at iskedyul ng proyekto. Kung hindi naman, para sa kabuuang konteksto ng proyekto, inirerekomenda namin ang pag-iiscroll mula sa simula hanggang sa dulo.
Para mag-iwan ng tanong o komento, pakibisita ang seksiyon ukol sa “Opinyon", na matatagpuan sa navigation bar na nasa itaas o nasa pinaka-ibaba ng web page na ito. Puwede rin ninyong direktang mapuntahan ang sarbey ukol sa mga opinyon (feedback survey sa Ingles) dito .
Kapag nagkaroon kayo ng problema sa web page na ito, mangyaring magpadala ng email sa TLStreets@sfmta.com .
Tulong sa wika:
Naisalin na namin ang Open House storymap sa anim na pinakakaraniwang wika sa Tenderloin! Para mapuntahan ang Open House sa Arabic, Tsino, Filipino, Ruso, Espanyol at/o Vietnamese, mangyaring mag-scroll pabalik sa itaas at i-klik ang salitang “Maligayang pagdating (Welcome)” sa katumbas na wika.
Contact 311 - Free language assistance / 免費語言協助 / Ayuda gratis con el idioma / Бесплатная помощь переводчиков / Trợ giúp Thông dịch Miễn phí / Assistance linguistique gratuite / 無料の言語支援 / 무료 언어 지원 / Libreng tulong para sa wikang Filipino / การช่วยเหลือทางด้านภาษาโดยไม่เสียค่าใช้จ่าย /خط المساعدة المجاني على الرقم
May pangako ang SFMTA na kompletuhin ang dalawang proyektong quick-build o mabilisang konstruksiyon sa Tenderloin at nang mapaghusay ang mga kondisyon ng trapiko para sa lahat ng gumagamit ng daan sa mga koridor na ito. Nagmumula ang pagsusumikap na ito sa mahigpit na paghiling ng komunidad ng Tenderloin para sa mas malalaking pamumuhunan sa mga solusyon para sa kaligtasan sa trapiko. Ipatutupad ang quick-builds sa Golden Gate Avenue (mula Market hanggang Polk streets) at sa Leavenworth Street (mula McAllister hanggang Post streets).
Dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa, magsasagawa ang mga Mga Proyektong Quick-Build ng Leavenworth at Golden Gate ng magkasamang kampanya para sa pag-abot sa nakararami, kasama na ang open house na ito. Pahihintulutan nito ang may koordinasyong mga diskusyon tungkol sa mga usapin sa kaligtasan sa trapiko at pangangailangan sa pagsasakay.
Magsasagawa ang proyektong ito ng mabibilis at nababago-bago na pagpapahusay para sa kaligtasan ng trapiko, kung saan bibigyan ng prayoridad ang pinakabulnerableng mga gumagamit ng daan sa pamamagitan ng pagbabawas ng lane, pasilidad para sa ligtas na paglalakad at pagbibisikleta, at pamamahala sa curb o gilid ng mga bangketa.
Sa dulo ng pahinang ito, iimbitahin kayong magbigay ng opinyon sa isa man o sa dalawang quick-build na proyekto ng Tenderloin sa pamamagitan ng aming online na sarbey. Puwede rin ninyong i-klik ang “Opinyon” sa toolbar na nasa itaas para direktang pumunta sa seksiyon na iyon.
Ang Tenderloin ay komunidad kung saan napakaraming tao kung ihahambing sa laki ng lugar at may diversity o pagkakaiba-iba ang mga nakatira, at matatagpuan ito sa pinakasentro ng San Francisco. Tahanan ito ng ilang komunidad, at marami sa kanila ang nagbibiyahe sa kabuuan ng Lungsod nang hindi gumagamit ng kotse. Gayon pa man, hindi napadadaloy nang mahusay ng kasalukuyang disenyo ng kalye ang pagbibiyahe nang hindi gumagamit ng kotse o sasakyang de-motor. Kinakaharap ng mga naglalakad at nagbibisikleta ang masikip na trapiko at agresibong asal sa pagmamaneho habang dumaraan sa mga kalye.
Nakaupo ang Golden Gate Avenue sa High Injury Network (Kung Saan Mataas ang Pinsala) ng Lungsod.
*Mangyaring bigyan ng ilang minuto ang application na mag-load habang nag-iiscroll kayo sa mga mapa na nasa ibaba.
Binubuo lamang ang High Injury Network ng San Francisco ng 13% ng mga kalye ng Lungsod, kung saan nagaganap ang 75% ng malalala at nakamamatay na banggaan o pagkakabundol.
Nitong nakaraang limang taon, nagkaroon na ng 119 banggaan o pagkakabundol sa Golden Gate Avenue sa pagitan ng Van Ness Avenue at Market Street, na humantong sa 5 malalalang pinsala at 3 pagkamatay.
Noong Enero 2017, may sitenta y otsong matandang lalaki na nasawi nang dahil sa mga pinsalang natamo matapos siyang mabundol sa tawiran sa Golden Gate habang patawid ng Hyde Street. Nakatingin ang nagmamaneho sa dashboard para malaman kung sino ang tumatawag, at hindi nito napansin na tumatawid sa kalye ang matanda nang naging berde ang ilaw.
Noong Setyembre 2017, may nasawing sisenta y sais na matandang lalaki na naka-wheelchair matapos makaladkad ng tow truck, habang tumatawid ng Leavenworth Street sa may tawiran ng Golden Gate Avenue. Nalimitahan ng taas ng tow truck ang kakayahan ng nagmamaneho na makita ang matanda habang tumatawid ito ng kalye.
May nasawi ring 58 taong gulang na babae nang dahil sa karahasang dulot ng trapiko sa hilagang bahagi ng gayon ding interseksiyon. Maulan na araw iyon noong Marso ng 2019, at katatapos pa lamang ng nagmamaneho na kumaliwa mula sa Golden Gate Avenue papuntang Leavenworth Street. Hindi niya napansin ang babae sa kalye at nabigo siyang magbigay-daan kung kaya’t nagbunga ito ng pagkamatay ng babae.
Ang Tenderloin ang tahanan ng marami sa pinakabulnerableng populasyon ng San Francisco -- mga taong may kulay, matatanda, bata, indibidwal na napakabababa ng kita, imigrante, indibidwal na nahihirapan dahil sa sakit sa isip at/o adiksiyon, at mga indibidwal na nakararanas ng kawalan ng tahanan. Wala sa proporsiyong naaapektuhan ang mga grupong ito ng malalalang pinsala at pagkasawi nang dahil sa trapiko.
Nitong nakaraang limang taon, nagkaroon na ng ilang pagsusumikap upang mapaghusay pa ang kaligtasan sa trapiko sa komunidad, kasama na ang proyektong Safer Taylor at ang pagsusumikap para sa pag-iilaw sa araw (daylighting) at pagpapalit ng dalas ng pagpapalit ng ilaw (signal retiming) sa kabuuan ng komunidad. Gayon pa man, patuloy ang pagkakaroon ng Tenderloin ng pinakamataas na porsiyento ng malalala at nakamamatay na pagkakapinsala sa mga naglalakad sa Lungsod. Ito ang dahilan kung bakit may pangako ang SFMTA na magkaroon ng mas ligtas na mga kalye sa Tenderloin gamit ang aming Quick-Build toolkit (mga kagamitan para sa mabilisang konstruksiyon).
Ang mga proyektong quick-build ay mga pagpapahusay para sa kaligtasan sa trapiko na nababago-bago at naiaayon, at puwedeng mas mabilis na maisagawa ito ng mga kawani ng lungsod gamit ang pintura sa kalye, street bollards (mabababang pangharang na poste) at pantrapikong karatula. Kaiba sa malakihang capital projects (pagpapahusay sa mga istruktura) na posibleng abutin ng taon-taon sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagbi-bidding at konstruksiyon, naisagagawa ang mga proyektong quick-build sa loob ng ilang buwan at napag-aaralan, nagagawan ng ebalwasyon, at naiaayon sa loob ng takdang panahon na 24 buwan matapos ang pagsisimula ng konstruksiyon.
Puwedeng matugunan ang karamihan sa mga problema sa kaligtasan sa trapiko na nakikita natin sa Tenderloin sa pamamagitan ng mga pagpapahusay na quick-build. Bagamat karaniwan nang maliit ang gastos sa quick-builds at gumagamit ang mga ito ng materyales na low-impact (hindi nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran ang paggamit), nakalilikha ito ng napaka-epektibong mga resulta. Gumaganap ng mahalagang papel ang pag-abot sa nakararami sa komunidad at ang paglahok ng mga tao sa komunidad sa pagtitiyak na naaangkop na nakatutugon ang mga proyektong quick-build sa mga pangangailangan ng magkakakalapit-bahay.
Parehong direktang nakaaapekto ang laki ng mga kagamitan para sa quick-build at ng lapad ng daan ang uri ng mga pagpapahusay para sa kaligtasan sa trapiko na puwedeng maimungkahi ng pangkat para sa proyekto. Sa pagitan ng Market at Polk, nasa pagitan ng 43 feet (talampakan) at 9 inches (pulgada) at ng 48 feet 9 inches ang lapad ng Golden Gate Avenue.
Kasalukuyang may nakatalagang lane para sa mga bisikleta na inihihiwalay sa pamamagitan ng may pinturang buffer (espasyong pangkaligtasan na naghihiwalay sa trapiko) sa Golden Gate. Layunin ng lane para sa mga bisikleta na mapalayo ang mga sasakyan, pero patuloy na dumaraan ang mga kotse sa pintura, o kaya ay doble-doble ang ginagawang pagpaparada.
Bagamat 4% lamang ng mga residente ng Tenderloin ang nagmamay-ari ng kotse, ang Golden Gate Ave ang tahanan ng mga paaralan, serbisyong pang-organisasyon, cafe, at marami pang iba. Dahil dito, binibigyan ng prayoridad ang mga sona para sa pagsasakay ng pasahero at hintuan ng pampublikong transportasyon at nang patuloy na makapagbigay ng pamamaraang magamit ito ng pinakabulnerable sa mga banggaan at pagkakabundol: kabataan, matatanda, at mga indibidwal na may kapansanan.
Pinatatakbo ang karamihan sa mga bus ng Muni ng mga OCS na kable. Kung tumatakbo ang bus sa lane na masyadong malayo sa kable, posibleng madiskonekta ito. Nagdudulot ito ng panganib sa mga nagpapatakbo ng sasakyan na kailangang muling ikabit ang bus sa kable.
Kailangan ng fire trucks ng hindi bababa sa 26 feet ng hindi nahaharangang daan sakaling magkasunog. Ito ay dahil dapat mabilis na makatugon ang mga trak sa mga tawag at magkaloob ng pamamaraan para sa paglalagay ng hagdan sa bintana. Mas mataas ang gusali, mas malapit dapat ang pagparada ng trak.
Mapa ng mga Pagpapahusay sa Trapiko na Ginawa sa Tenderloin
Nagsagawa ang SFMTA ng mga pagpapahusay sa Golden Gate, Ellis, Jones, at Turk streets upang higit na makapagkaloob ng napakahahalagang serbisyo at magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya. Dahil sa pangangailangan sa mga kawani para masuportahan ang mga pagsusumikap na may kaugnayan sa COVID-19 at nang higit na makakuha ang mga tao ng kailangang-kailangang mga serbisyo at lalo pang magkaroon ng pisikal na pagdidistansiya, ibinaling ng mga pangkat para sa quick-build ng SFMTA ang kanilang atensiyon sa pagsuporta sa trabahong ito nitong nakaraang tag-araw at taglagas ng 2020.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pagsusumikap sa panahon ng COVID-19 na nagaganap sa Tenderloin, mangyaring bumisita sa SFMTA.com/TLStreets .
400 Block (Polk hanggang Larkin)
300 Block (Larkin hanggang Hyde)
Batay sa gabay ng hatid ng mga problema sa kaligtasan sa trapiko sa Golden Gate Avenue at sa mga kasalukuyang kondisyon, iminumungkahi ng pangkat para sa proyekto na i-upgrade o pagandahin pa ang naririyan nang lane para sa mga bisikleta at magkaloob ng aktibong nababago-bago o flex na espasyo sa piling mga kalye, na puwedeng magamit sa pagnenegosyo, serbisyo sa komunidad, paglilibang, o para sa pisikal na pagdidistansiya.
Kapag nakita na ninyo ang mga alternatibo, ipagbigay-alam sa amin ang mga opsiyon na mas gusto ninyo sa seksiyon na “Mga Opinyon (Feedback)” na nasa ibaba.
Salamat po sa pagbisita sa aming open house!
Matapos mapag-aralan ang mga opsiyon para sa disenyo ng kalye sa itaas, mangyaring ipagbigay-alam sa akin kung alin ang mas gusto ninyo sa pamamagitan ng pagki-klik ng button na nasa ibaba. Puwede ninyong tingnan ang PDF na bersiyon ng mga larawan dito .
Bumalik muli upang makita ang mga natanggap na komento at sagot sa mga tanong.
Bagamat live (nagaganap sa oras mismo ng panonood) ang Open House, puwedeng maugnayan ang mga kawani sa pamamagitan ng email, at puwede rin kayong direktang makipag-usap sa Mga Pangkat para sa Proyekto (Project Teams) sa pamamagitan ng pagdalo sa mga oras ng pag-oopisina sa isa sa mga panahong nakalista sa ibaba.
Disyembre 17, 2:00PM-4:00PM
Disyembre 18, 8:00AM-10:00AM
Disyembre 19, 11:00AM- 1:00PM
Disyembre 22, 2:00PM -4:00PM
Disyembre 30, Tanghali hanggang 2:00PM
Enero 5, 5:00PM- 7:00PM
Enero 7, 11:00AM- 1:00AM
May iba pa ba kayong tanong, komento, o inaalala na hindi nasagot dito?
I-email sa amin sa TLStreets@sfmta.com ang inyong opinyon.
Para manatiling naka-ugnay, bumisita sa SFMTA.com/TLStreets o magpalista para sa pinakabagong impormasyon gamit ang button na nasa ibaba.